^

Police Metro

JPE kay De Lima: ‘Wag matakot kung walang kasalanan!

Joy Cantos - Pang-masa
JPE kay De Lima: �Wag matakot kung walang kasalanan!
Senadora Leila de Lima

CEBU, Philippines - “Wala nang reklamo, bayaan mo na lang na sa husgado litisin ang problema, kung wala kang kasalanan bakit ka matatakot, bakit ka mag-iingay”.

Ito ang naging patutsada kahapon ni dating Senador Juan Ponce Enrile kay Senadora Leila de Lima matapos itong maaresto at ikulong sa PNP-Custodial Center kaugnay ng pakikipag­sabwatan umano sa mga high profile drug lord sa illegal drug trafficking sa National Bilibid Prisons (NBP).

Sa panayam kay Enrile sa pagdalo nito sa pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng EDSA People’s Power 1  sa Camp Aguinaldo na sa halip na mag-ingay si De Lima ay mas makabu­buting harapin na lamang nito sa husgado ang kasong kriminal.

Sinabi ni Enrile na hindi ‘political prisoner’ si De Lima dahilan isa itong preso kaugnay ng kasong illegal drug trafficking na isang seryosong paglabag sa batas.

“Anong political pri­soner, there is no such thing as political pri­soner, You are a prisoner, sabi niya yun pero kami na binilanggo niya na walang kamuwang-muwang, eh ano kami. Sila Santo, Santa at kami ay demonyo, ano ba yan”, giit pa ni Enrile.

Si Enrile kasama sina Senador Ramon “Bong” Revilla at Senador Jinggoy Estrada ay naipakulong ni De Lima sa PNP Custodial Center kaugnay ng kasong plunder  sa umano’y illegal na paggamit ng mga ito ng kanilang pork barrel fund.

vuukle comment

JUAN PONCE ENRILE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with