^

PSN Showbiz

Kathryn tanggap ang Daniel-Sarah team up!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay kinausap ni Daniel Padilla si Johnny Manahan para sa posibleng pagtatambal ng aktor at Sarah Geronimo. Hindi na raw kinailangang magpaalam ni Daniel sa napababalitang kasintahan na si Kathryn Bernardo dahil maging ang aktres ay iniidolo rin ang Popstar Princess.

Nagkasama na sa isang shampoo commercial sina Kathryn at Sarah pero ngayon ay nangangarap si Kathryn na muli silang magkasama para sa isang pelikula.

“Ako rin gusto ko maka-work si Ate Sarah. Fan ako ni Miss Sarah Geronimo. Kung magkaroon sila ng project together in the future with or without me, support na lang natin. Kasi gusto niya ‘yun and para mabigyan din tayo ng ibang opportunity. Cute naman din if ever mangyari kasi big fan ako ni ate Sarah,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

Samantala, ngayon ay puspusan na ang ginagawang paghahanda ng dalaga para sa bagong teleserye nila ni Daniel na La Luna Sangre.

“Puro training. Kailangan naming maging ready physically. Hindi ko alam kung pwede kong sabihin kung ano ang training namin pero bago siya sa akin. So kailangan ko aralin, nakaka-excite. Habang nagte-training ka, ini-imagine mo na. Ini-explain nila sa ‘yo. Kailangan nila talaga abangan ‘yon,” pagbabahagi ni Kathryn.

Ang La Luna Sangre ay ang sequel ng fantasy serye na Imortal na pinagbidahan nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz noong 2010.

Gerald gustong manalo sa L.A. marathon 

Nakatakdang sumali si Gerald Anderson sa 2017 Skechers Performance Los Angeles Marathon na gaganapin sa March 19. Ngayon pa lamang ay kinakabahan na ang aktor lalo pa’t nasa 25,000 daw silang lahat na kasali rito mula sa iba’t ibang bansa.

“At the end of the day, hindi ako pupunta do’n para magpakita lang or para lang i-fulfill ko ‘yung commitment ko with Skechers. I really want to go, ayaw ko magpatalo so lahat gagawin ko. Baka mamaya mahimatay pa ako do’n sa race,” natatawang pahayag ni Gerald.

“So ngayon pa lang, kumbaga because of my experience sa ibang race na sinalihan ko, I have to really prepare for this. Grabe, I’m just so motivated and excited. Sabi ko #blessed ako kasi these are the things na nai-imagine ko na sana pagtanda ko I could be very athletic, magkakaroon rin ako ng mga gano’n,” dagdag ng aktor.

Sobrang disiplina raw ang ginagawa ng aktor sa sarili upang magampanan nang maayos ang kanyang mga gustong gawin sa buhay.

“Nagagawa ko lahat ng mga ‘yan ngayon because of mga exercise and healthy lifestyle. Kasi nga nagte-taping na kami for ‘yung bagong teleserye. Mahirap eh, iba na talaga ‘yung lifestyle kapag walang workout, ‘pag hindi ka nakapag-exercise parang nagsa-suffer na rin ‘yung iba,” paliwanag ni Gerald.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with