^

PM Sports

Tiongson bumandera para sa panalo ng AMA

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Tinuhog ng AMA Online Education ang ikalawa nilang sunod na panalo nang gibain ang Cignal, 94-85, sa 2017 PBA D-League Aspirant’s Cup sa Ynares Arena kahapon.

Itinala ni dating Ate-neo playmaker Juami Tiongson ang 12 sa kanyang 32 points sa fourth quarter para ibigay sa Titans ang panalo.

Nakabawi ang AMA sa 17-point deficit sa first quarter nang makalapit sa 46-47 matapos ang first half.

Kumawala ang Titans sa dulo ng third period sa pamamagitan ng 12-2 run sa pangunguna nina Genmar Bragais at Ryan Arambulo.

Nasayang naman ang 18 points ni Davon Potts para sa Cignal.

Sa unang laban, igi-nupo ng Jose Rizal University ang Blustar Detergent sa iskor na 75-64 upang kubrahin ang ka-nilang unang panalo sa torneo.

Gumawa ng 20 points si JRU shooting guard Teytey Teodoro na may suportang 18 markers mula kay da-ting PCBL forward Jerard Bautista mula sa bench.

Tinapos ng JRU ang laro sa bisa ng isang 13-0 atake sa huling tatlong minuto kung saan 8 rito ay mula kay Teo-doro para tuluyang kumawala sa Dragons.

Umiskor si Alvin Vui Hang Ang ng 15 points para sa Blustar, nalasap ang pangalawang sunod na panalo. FMLumba

 

vuukle comment

AMA ONLINE EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with