^

Punto Mo

Lalaking naghagis ng mensahe sa dagat, nakatanggap ng tugon sa Facebook matapos ang 34 na taon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKATANGGAP ng tugon ang isang lalaking naghagis sa dagat ng boteng may lamang liham 34 taon na ang nakakaraan ngunit dahil sa makabagong teknolohiya ngayon ay sa Facebook na niya ito nakuha.

Isang 19-anyos na mandaragat noong 1983 si Ron Herbst nang isulat niya ang liham habang lulan ng aircraft carrier na USS Coral Sea. Laman ng liham ang kanyang pagbati at ang kanyang pangalan at address para sa sinumang makakapulot sa bote.

Inabot ng isang taon bago may nakapulot ng bote ni Herbst na natagpuan ng mag-asawang Gordon at Cindy Brevik na nagbabakasyon noon sa Florida.

Ngunit sa halip na tumugon sa liham ay itinago lang nila ang bote sa loob ng 34 taon.

Tumugon ang mag-asawa kamakailan lang, nang mapansin nila ang bote habang naglilipat kaya naisipan nilang hanapin sa Facebook ang lalaking nagsulat ng liham.

Nakita nila sa nasabing social media site ang profile ni Herbst, na hindi makapaniwalang makakatanggap siya ng tugon sa kanyang liham matapos ang napakatagal na panahon.

Nakipagkita ang mag-asawang Brevik sa kanya at ibinalik ang bote at ang laman nitong liham. Plano ni Herbst na i-donate ang mga ito sa National Naval Aviation Museum sa Pensacola, Florida.   

vuukle comment

FACEBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with