^

Metro

2 kelot na-tokhang, tumimbuwang

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa na namang lalaki ang pinaniniwalaang sangkot sa droga at nauna nang sumailalim sa ‘Oplan Tokhang’ ang nasawi makaraang pagbabarilin ng mga nakamaskarang suspects sa loob ng kani-kanilang bahay sa Malabon City, kamakalawa.

Nakilala ang mga nasawi na sina William Habalita, 42, ng Interior Sanciangco St., Brgy. Catmon; at Jimmy Manzano, 44, residente rin ng naturang lugar.  Kritikal naman sa pagamutan ang live-in partner ni Manzano na si Ligaya Nuñez, 44.

Base sa ulat ng pulisya, naghahapunan sina Manzano at Nunez, 44, sa loob ng kanilang bahay sa Sancianco St. nang pasukin ng dalawang lalaki na nakasuot ng maskara.  Walang sabi-sabing pinagbabaril ng dalawang gunmen sina Manzano at Nuñez saka tumakas sakay ng dalawang motorsiklo na minamaneho ng dalawa pa nilang kasamahan.

Agad na nasawi si Manza­no habang naisugod sa Pagamutang Bayan ng Malabon saka inilipat sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Nunez na isinailalim sa operasyon.

Kasunod nito dakong alas-7:35 ng gabi, nanonood ng telebisyon si Habalita kasama ang pamilya sa loob ng kanyang bahay nang pasukin ng isa sa dalawang salarin na nakasuot ng face mask at walang sabi-sabing pagbabarilin ang biktima.  Nagsilbi namang look-out at driver ng motorsiklo ang ikalawang lalaki.

Nabatid sa rekord ng pulisya na nabisita na ng mga pulis sa ilalim ng ‘Oplan Tokhang’ ang mga nasawi ngunit pinaniniwalaang hindi tumigil sa kanilang gawain sa iligal na droga.

vuukle comment

OPLAN TOKHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with