^

Bansa

Miyembro ng ‘Sigue Sigue Sputnik’ inutas sa harap ng nanay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi naisalba ng nagmamakaawang ina ang buhay ng kanyang  anak na miyembro ng  ‘Sigue-Sigue Sputnik’ na binaril at napatay kahapon ng  umaga sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital (GABMH), si  Ernesto Sabado, 34, at taga Building 3, Aroma Temporary Housing, R-10,Tondo,Maynila.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilalang si June Alejan, kapitbahay ng biktima at dalawa pa nitong kasamahan matapos makitang duguan ang biktima.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, ng MPD-homicide section, naganap ang insidente dakong alas-12:35 ng madaling araw sa loob ng bahay ng biktima.

Sa kabila nang pagmamakaawa ng ina ng biktima itinuloy pa rin ng suspek ang pagbaril sa ulo ng anak.

Ayon sa ina ng biktima, kalalaya pa lamang sa kulungan ng anak dahil sa kasong robbery snatching pero  hindi umano niya alam ang motibo sa pagbaril dito ng suspek.

Samantala, sa impormasyon nakuha, ang biktima ay  nabatid na sumuko sa ‘Operation Tokhang’ pero nagpatuloy pa rin sa kanyang criminal na aktibidad para masuportahan ang kanyang bisyo.

vuukle comment

SIGUE-SIGUE SPUTNIK’

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with