^

PSN Showbiz

Willing maging kaibigan si Angel Jessy pinanindigang hindi siya third party!

THE GAME OF MY LIFE - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Willing maging kaibigan si Angel Jessy pinanindigang hindi siya third party!
Banana Sundae cast

So ‘yun nga, tuloy na tuloy na ang pagkikita nina Angel Locsin and Jessy Mendiola sa Banana Sundae though wala pang date kung kailan ang taping at a­iring.

Kaya kahapon sa presscon ng 8th anniversary ng gag show, naurirat si Jessy sa inaasahang encounter nila.

Ok ba sa kanya? Welcome ba ang ex ng boyfriend niya ngayong si Luis Manzano?

“Why, yes, of course! Bakit naman po? Hindi naman po ako ‘yung may hawak ng show eh. Sumusunod lang po ako,” mabilis na reaction ng actress.

Eh ok lang ba kung magiging friends sila ng aktres?

“I’m not saying na talagang chummy na friends, pero ‘di ba, panahon lang ‘yan eh. Para sa akin talaga, kung saan siya masaya, okay. Kung saan ako masaya, ‘yun. May mga kanya-kanya kaming buhay so, parang it’s such a waste of energy kung palagi na lang tayong nagagalit sa isa’t isa para sa wala o kaya paulit-ulit na lang tayong lahat.

“Blooming naman siya ngayon, so parang, ‘di ba, ano pang sense kung bakit kailangan nating i-push pa ‘yung issue na ‘yun?”

Nabanggit noon na siya raw ang ‘third party’ sa kanila ni Luis. Apektado ba siya?

“Hindi, kasi alam kong hindi totoo, eh. ‘Pag alam mong hindi totoo ang isang bagay, hindi ka maaapektuhan.”

Nabanggit nga pala ni Jessy na masaya siya at mapayapa sa piling ng anak nina Representative Vilma Santos and Edu Manzano. Pero wala siyang banggit kung ano ba ang real status nila ng TV host. 

Anyway, walong taon na pala ang Banana Sundae.

Ayon sa cast nito na si John Prats, matagumpay ang programa dahil tunay na magkakaibigan silang lahat sa harap at likod ng camera.

 “Talagang inaalala namin ang isa’t isa at concerned kami sa kapakanan ng bawat kasama na­ming,” sabi naman ni Pokwang.

Pinatunayan din ni Jessy na isa sa recent addition sa Banana Sundae barkada, ang init ng samahan sa show na agad niyang nadama ilang linggo pa lang siyang sumalang sa set.

“Noong una, nahirapan talaga ako sa co­medy pero sobrang helpful nilang lahat. Ginuide nila ako at winelcome nang sobra. Pamilya talaga ang trato namin sa isa’t isa,” pahayag niya.

Bilang pasasalamat ng barkada sa fans, isang anniversary show ang kanilang gagawin sa Kia Theater sa Huwebes (Nov. 17).

Abangan ang pasabog na group production numbers ng Banana Sundae barkada na sina Angelica Panganiban, John Prats, Pokwang, Pooh, Jayson Gainza, JC De Vera, Jessy Mendiola, Ryan Bang, Jobert Austria, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, at Badjie Mortiz kasama pa ang surprise celebrity guests na sila mismo ang pumili.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with