^

Para Malibang

House Of Death (82)

HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado - Pang-masa

NAWALA ang tapang nina Temyong. Nakita nila ang pangyayari. Ang mga nagliliyab na sanang mga banal na gamit ay maayos na ngayon na magkapatong-patong sa lupa malapit sa masamang imahe.

Ang apoy na nanggaling sa mga mata ng imahe na dahilan ng pagliliyab ay nawalan ng silbi.

Ang paligid ay tahimik na, wala nang hangin.

Ang palatandaan na humangin ng napakalakas ay mga sanga at dahon na nalaglag.

Nang mamatay ang apoy, naging tahimik uli ang paligid.

“Ano’ng ibig sabihin nito, Temyong?” Takot na nagtanong si Azon.

“Lumalaban na si Benilda. May kapangyarihan na siya! Iyan lang ang ibig sabihin nito, Azon!”

“Si … si Benilda nga kaya?”

“Wala nang iba pa!”

“Kaya ba ito ni Benilda?”

“Bakit hindi eh, multo naman ‘yon!”

“Parang hindi kaya ni Benilda na pumatay ng apoy mula sa mga mata ng ating panginoon, Temyong. Nakita na natin siyang umiyak dahil talo siya. Nakita na natin kung gaano kaliit ang kapangyarihan niya kumpara sa kapangyarihan ng ating panginoon.”

Nainis si Temyong, hindi niya nagugustuhan ang tinutumbok  ng kanyang asawa.

“Kung pinanghihinaan kang bigla ng loob, huwag mo akong idamay, Azon! Kapag ganyang klase ang mentalidad mo, imbes na yayaman na tayo, babalik pa tayo sa napakamise­rable nating buhay. Kung iyan ang gusto mo, ikaw na lang!”

“Hindi ganito ang gusto ko, Temyong! Gusto ko talagang makatikim ng buhay ng karangyaan! Kaya nga natatakot ako na baka … baka ipinapakita na ng Diyos nina Mario ang kapangyarihan Niya laban sa ating panginoon.”

“Puwes, para tuluy-tuloy ang pag-unlad natin, bigyan mo pa ng mas maraming tapang ang sarili mo! Mamaya, huhukayin na natin ang yaman nina Benilda diyan sa lupa at kailangang mahanapan na natin ng buyer!”

Napatingin si Azon sa kinababaunan ng yaman na tabi lang naman ng masamang imahe.

“Paano kung … kung may mangyayari na naman para mapigilan tayo?” Itutuloy

vuukle comment

HOUSE OF DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with