^

Para Malibang

Isang Nayon sa Canada, Naglahong Parang Bula

MRYOSO - Pang-masa

Kung may mga nababalitang lawa na naglalaho o kaya’y “nangunguha” ng mga tao, may isang lawa sa Kivalliq Region, Nunavut sa Canada ang may kakaibang kaganapan. Noong Nobyembre 1930 ay misteryosong nawala ang isang buong nayon sa Lake Anjikuni.

Nadiskubre ng isang nagngangalang Joe Labelle ang hanggang ngayo’y misteryosong pagkawala ng mga tao sa buong nayon nang siya’y naghanap ng pagpapalipasan ng gabi. Alam niya ang lokasyon ng Inuit village at nagdesisyong doon mamahinga. Aabot ng 2,000 katao ang naninirahan sa nayong ito kaya laking gulat niya nang maabutang walang katao-tao maski isa sa lugar nang siya’y dumating. Naiwan ang mga pagkain at mga baril ngunit wala ni isang tao.

Nagpadala ng telegrama at humingi ng tulong si Joe para masimulan ang imbestigasyon. Sa pag-iimbestiga nalaman din nilang may isang libingan sa sementeryo ng nayon ang binuksan at walang laman. Natagpuan din ang bangkay ng 7 sled dogs na buto’t balat na parang nagutom kahit pa may mga bukas na tindahan ng pagkain sa nayon. May mga bersyon naman na nagsasabing may nakitang kakaibang liwanag sa lawa sa oras ng pagkawala ng mga tao.

Pero ano nga ba talaga ang nangyari? May mga nagsasabing kagagawan umano ito ng aliens, multo, at bampira na nagmula sa sementeryo. Alien nga ba ang may kagagawan ng pagkawala ng mga tao? O totoo kaya ang mga bampira? Kayo na ang humusga.

vuukle comment

KIVALLIQ REGION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with