^

Para Malibang

Pabor ba Kayong Tanggalin ang mga Takdang Aralin sa mga Eskuwela?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

• Bilang tiyuhin, nakikita ko kung gaano kahirap ngayon ang mga takdang aralin ng mga pamangkin ko. Pero baka dahil iba na rin naman ang panahon ngayon. Kung ako ang tatanungin, hindi dapat tanggalin ang mga assignment ng bata. Dito kasi sila patuloy na matututo. – Hero, Valenzuela

• Kung ititigil ang mga assignment eh ‘di mas magkakaroon ang mga bata ng mas maraming oras sa iba pang bagay. Ang bata kasi ‘pag laging pinupukpok sa pag-aaral eh nai-stress din ‘yan. Kaya pabor ako kung tatanggalin na ang mga homework. Dapat sa eskwela sila natututo at guro dapat ang nag­tuturo sa kanila. – Macky, Bataan

• Hindi ako pabor diyan. Eh ano na lang ang gagawin ng mga bata ‘pag nasa bahay? Puro na lang TV, computer games, at cell phone. Naku, dapat nga ang bata maraming pinag-aaralan. Mas gusto kong tamabakan sila ng mga assignment para mas lalo silang matuto. ‘Pag tumanda na kasi mahirap nang matuto. – Luis, Abra

• Pabor ako kung tatanggalin ito. Paano ba naman kasi, hindi naman mga anak ko ang gumagawa ng assignment, ako rin naman eh. Eh ‘di walang silbi rin ‘di ba? Napakahirap ng ibibigay na homework kahit ako nahihirapan. Dapat sa school sila na­­tututo. ‘Pag nasa bahay, pahinga naman ang inaatupag para hindi ma-drain ang mga bata. – Niko, Cotabato

• ‘Wag naman sigurong tanggalin. Siguro dapat magbigay ang mga titser ng tamang takdang aralin, ‘yung kaya naman ng batang gawin na siya lang at hindi na kailangan ng tulong ng magulang. Dapat ‘yung naaayon sa lebel ng utak ng estud­yante. Pero kung tatanggalin, ‘wag naman.

Raymund, Masbate

vuukle comment

TAKDANG ARALIN SA MGA ESKUWELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with