Parks pinili ng Westchester bilang final pick sa NBA D-League Draft
MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na season ay muling mag-lalaro si Fil-American guard Bobby Ray Parks, Jr. sa NBA D-League.
Ang 6-foot-4 na si Parks ay kinuha ng Westchester Knicks bilang final pick sa sixth round ng 2016 NBA D-League Draft kahapon.
Nauna nang naglaro ang anak ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks para sa koponan ng Texas Legends sa nakaraang season matapos piliin bilang No. 25 overall pick.
Muling bumalik si Parks sa NBA D-League draft pool makaraan siyang bitawan ng Legends.
Umaasa si Parks, ang three-time UAAP Most Valuable Player ng National University Bulldogs, na mabibigyan siya ng mas mahabang playing time sa Westchester, ang affiliate ng New York Knicks sa NBA D-League.
Nagposte ang Gilas Pilipinas guard ng avera-ges na 4.6 points at 1.9 rebounds sa 32 games niya para sa Texas sa nakaraang season.
Ang Westchester ay maglalaro sa kanilang ikatlong season sa D-League at nakapasok sa playoffs sa nakaraang taon sa kanilang 28-22 record sa likod nina Jimmer Fredette at Thanasis Antetoko-unmpo, kapatid ni star forward Giannis ng Milwaukee Bucks.
- Latest