^

PSN Showbiz

Angelica reyna na raw ng drama!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa sobrang kaabalahan ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ay hindi ito  nagkaroon pa ng oras na patulan ang kontrobersya sa sinasabing balikan nila ni John Lloyd Cruz dahil lamang nagkasama sila sa isang okasyon at naging civil sa kanilang pagkikita.

For all her faults, napaka-propesyonal ni Ange­lica para hindi magbigay ng isang magandang per­for­mance sa movie ng Star Cinema kung  saan kasama niya sina Paulo Avelino at Dingdong Dantes, The Umarried Life. Sa galing na ipinamalas niya sa pagganap sa kanyang role, itinaas na ni Direk Maryo J. delos Reyes ang estado ng pagiging aktres ni Angelica. Feeling ni Direk Maryo, naabot na niya ang kategorya ng reyna ng drama. 

Paul Salas biglang namintog ang katawan

Marami ang curious kung ano ang nagtulak sa 18 taong gulang na dating child actor na si Paul Salas na magpalaki ng katawan. Wala pang tatlong buwan pero, meron na siyang 6-pack abs. At nakuha niya ito sa regular na pagpunta sa gym. Hindi naman siya nainip dahil may mga nakasabay siyang kapareho niyang artista, gaya ni Kristoffer Martin na nang makita ko sa isang set interview ay talagang namimintog ang mga muscle. Ganun din si Paul na handang-handa nang sumabak sa mga mature role. 

Lovi dalawang beses hinubaran ng panty

Pinaka-reyna na ring maitururing si Lovi Poe sa paggawa ng mga kissing scene at love scene. Sa isang pelikula ng Regal ay napasabak siya sa matitindi at maiinit na eksena kina Derek Ramsay at Christopher de Leon.  Dalawang beses siyang hinubaran ng panty ni Boyet at sa isang interview ni Derek para sa promosyon ng kanilang pelikula ay ito ang hiyang-hiya at hindi makatingin ng diretso sa kumakausap sa kanya dahil sa kainitan ng eksena nila ni Lovi na napapanood habang ini-interview siya. Pero, para kay Lovi ay parang walang anuman ang mga nasabing eksena.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with