^

Punto Mo

‘Natutulog sa pansitan’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

GISING ba ang mga Metro mayors o natutulog sa pansitan?  

Hindi matiyak kung nagbubulag-bulagan sa mga problema sa kanilang mga nasasakupan o sadyang nagpapalaki lang ng mga tiyan.

Nagkalat ang mga ilegal na terminal ng tricycle at jeepney maging ang mga illegal vendor pero hindi inaaksyunan.

Maraming mga establisimentong pinupuntahan ng mga motorista subalit walang parking space.

 Isa pa sa mga dahilan kung bakit lalo pang sumisikip ang lansangan, ang mga kontra-kontrang ordinansa at hindi sumusuporta sa mga batas-trapikong pang-nasyunal.

 Bawat syudad nagpapagalingan. Nagpapataasan ng tilamsik ng ihi. Hindi magkakatugma. Walang isang direksyon na ang layunin maresolba ang trapiko.

 Resulta, buhol-buhol ang mga sasakyan paglabas sa EDSA. Umaga pa lang mistulang parking lot na.

 Kaya nga nakakatawa ang sinabi ng isang kongresista. Sinisisi niya ang mga tao kung bakit lumala ang trapiko.   

Kahit na raw kasi maraming imprastruktura pa ang itayo, siguradong magkakatrapik dahil ang mga tao bumibili ng mga bagong sasakyan. Suhestiyon niya, taasan ang tax ng mga bagong bibilhing sasakyan.

 Hindi niya naiisip na lahat ng kalbaryong nararanasan natin ngayon epekto lang ng mga kapabayaan at kapalpakan ng nakaraang administrasyon.

 Iniwang bulok at pupugak-pugak ang MRT. Walang maayos na mass transit sa Metro Manila.

 Ngayon palang isinasaayos ng bagong administrasyon ang kalbaryong trapiko sa publiko at mga motorista.  

 Nitong Lunes,  naglunsad ng ‘no window hours’ coding scheme ang Department of Transportation bilang pansamantalang solusyon sa trapiko ngayong ber months.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel. 

 

vuukle comment

BEN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with