^

Punto Mo

Pagbabawal sa paputok

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

PANAHON na upang ipatupad ng gobyerno ang pagbabawal sa paputok ng sinumang indibidwal sa bu-ong bansa.

Maari namang ipagpatuloy ang tradisyon ng mga Pilipino sa paggamit ng papu­tok lalo sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ang marapat na ipagbawal ay ang paggamit ng indibidwal dahil madalas itong mabiktima ng mga aksidente.

Marahil ay makakabu-ting magsagawa ng lang ng fireworks display sa bawat siyudad o munisipalidad na panga­ngasiwaan ng lokal na pamahalaan at ang mamamayan ay maaring manood na lamang.

Ayon kay Pres. Rodrigo Duterte, ikukunsulta muna niya sa buong Gabinete ang usapin ng posibleng pagbabawal sa paggamit ng paputok.

Isa kasi sa konsiderasyon dito ng Presidente ay ang posibleng malaking epekto nito sa industriya ng paputok sa bansa at baka may maapektuhang manggagawa rito.

Muling nabuhay ang usapin ng pagbabawal ng papu­tok dahil sa pagsabog ng tindahan sa Bocaue, Bulacan na ikinamatay ng dalawa katao kabilang ang may-ari ng tindahan ng paputok.

Panahon na upang higpitan ng gobyerno ang paggamit ng paputok at ang ipagbabawal dito ay ang para lang sa mga indibidwal na mamamayan upang lubos na maprotektahan ang publiko.

Kung ang mga lokal na opisyal na lamang ang manga-ngasiwa sa mga fireworks display ay malamang na mala-king iwas ito sa anumang aksidente. Mababawasan na rin ang mga  napuputukan na bata at ang mga pagkasunog ng ari-arian.

Abangan natin kung ano ang magiging pinal na desisyon dito ng Presidente pero sana, limitahan o ipagbawal na ang paputok tulad sa ipinaiiral sa Davao City.

vuukle comment

PAPUTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with