500 Tsinoy trader kasama ni Duterte sa China
MANILA, Philippines - Mahigit 500 Filipino-Chinese businessmen ang kasama sa business delegation ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state visit nito sa China ngayong October 18-21, ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Sinabi ni Usec. Abella sa media briefing sa Malacañang, nasa 500 na negosyante ang sasama sa business delegation ni Pangulong Duterte sa pagbisita nito sa Beijing.
Idinagdag pa ni Abella, hindi papasanin ng gobyerno ang gastos ng mga sasamang negosyante bagkus ito ay kanya-kanyang gastos.
Mula sa airfare hanggang sa hotel accommodations ay sasagutin ng sasamang negosyante ang kanilang gastusin.
Kasama din sa delegasyon ni Pangulong Duterte si Sen. Win Gatchalian matapos itong payagan ng Sandiganbayan na makalabas ng bansa.
- Latest