^

PSN Showbiz

Naging adik at nakulong pa, Boyet iniwan ng pamilya nang mag-droga!­

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kung ang description ni Derek Ramsay sa apat na love scenes nila ni Lovi Poe sa Regal Films movie na The Escort ay “ama­zing”si Christopher de Leon naman ay “mind blowing” ang description. Very gentle sa simula, pero naging rough later on.

Dagdag pa ni Christopher, med­yo kabado si Lovi nang kunan ang love scene nila and he tried to be gentle with the actress. Marami na siyang ginawang love scene at med­yo tame pa nga ang love scene nila ni Lovi sa nasabing pelikula kumpara sa mga unang nagawa na niya.

Natawag tuloy ni Mother Lily Monteverde na “walang kupas” si Boyet dahil hanggang ngayon ay gumagawa pa siya ng love scenes. Mas matapang ngayon ang aktor at wala nang eksenang bawal at lahat ay gagawin niya.

Sa pakikipagkuwentuhan kay Boyet, nabanggit nitong inaanak niya si Mark Anthony Fernandez at nagulat siya nang mabalitaan ang nangyari rito. Plano niyang dalawin ito sa kulu­ngan para iparamdam na he’s loved.

May panawagan si Boyet sa mga artistang may mga bisyo pa at sana pakinggan siya na aminadong da­ting gumamit ng droga. “Tama na, nag-enjoy na tayo, pakinggan natin ang Presidente. Let’s get serious. Demonyo ‘yun, alam ko ‘yun. I’ve been there. Ang kulungan is hell at naalala ko ang pamangkin kong nakakulong ng walang kasalanan. ‘Pag binibisita ko siya tahimik lang kami. Stay away from drugs. It is the tool of the devil. Wala kang panalo diyan, until I turned to God. Kaya, tama na,” payo ni Boyet sa mga kasama sa industriya.

Naalala nito ang pa­­nahong may bisyo pa siya, bine­benta niya ang mga gamit niya. Iniiwasan siya ng mga kaibigan niya, wala nang kumukuhang producers at iniwan siya ng kanyang pamilya.

Derek hindi pumayag sa doggie style kay Lovi

Si Lovi Poe ang kumanta ng theme song ng The Escort na No Ordinary Love na original ni Sade at bagay kay Lovi ang song. Nabanggit nito na nami-miss na niya ang kanyang first love dahil matagal na siyang hindi nakakakanta at nakakagawa ng album.

Pag-uusapan ang The Escort lalo na ang makatotohanang love scene nina Lovi at Derek maging nina Lovi at Christopher de Leon at Derek at Jean Garcia. Matapang ang apat na gawin ang love scenes. Si Lovi nga ay pumayag sa doggie style sex position na nakasulat sa script pero hindi pumayag si Derek. Siya na ang kumausap kay director Enzo Williams not to go with the scene para na rin kay Lovi. Hindi raw magandang tingnan ‘pag ginawa nila ang eksena.

Alagang-alaga ni Derek si Lovi sa love scene nila, hindi ito puma­yag na masilipan ng boobs ang aktres sa shooting. Kaya nasabi ni Lovi ay masuwerte siyang makatrabaho sina Derek at Boyet at makahalikan ang dalawa.

Balak ng Regal Films na sa October 27 gawin ang premiere night ng The Escort dahil aalis si Derek sa Oct. 28 for a vacation at sa November 9 na ang balik. That time, showing na ang pelikula.

Bayani tinanggihan ang MTRCB

Balitang in-offer-an si Bayani Agbayani na maging board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Pero tumanggi raw si Bayani dahil hindi niya alam ang trabaho ng isang board member.

May tsika ring babalik sa MTRCB si Consoliza Laguardia. Hindi lang kami sure kung bilang MTRCB Chair kapalit ni Eugenio “Toto” Villareal. May mga narinig pa kaming ibang pangalan na makakasama sa board, pero hindi pa kumpirmado kaya hintayin natin ang announcement.

vuukle comment

THE ESCORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with