^

PSN Showbiz

Nadia Montenegro pormal na naghain ng kasong libel vs Annabelle Rama

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pormal nang nagsampa ng kasong libel sa tanggapan ng Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) ang dating actress na si Nadia Montenegro laban sa talent manager na si Annabelle Rama dahil sa umano’y mapanirang pananalita nito sa isang website na twitter.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Montenegro na nag-tweet si Rama ng mga nakakainsultong pahayag laban sa kanya mula noong October 4 hanggang 20.

Ito na ang pangalawang kaso na isinampa ni Montenegro laban kay Rama matapos na nauna nang nagsampa ito ng kasong falsification of document laban sa huli.

Ang unang reklamo ay nag-ugat sa alegasyon ni Montenegro na si Rama ay nameke ng management contract sa mga anak ng dating actress kung saan niya ito mina-manage.

Nagsampa rin ng kasong child abuse at oral defamation laban kay Rama si Montenegro.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

KASONG

LABAN

MONTENEGRO

NADIA MONTENEGRO

NAGSAMPA

PORMAL

QUEZON CITY PROSECUTOR

RAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with