^

PSN Showbiz

Para maganda sa laban ni Pacman, Aling Dionisia imi-make over

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ngayon ang laban sa Las Vegas nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton. Sold-out na raw ang mga ticket kaya luhaan ang mga Pilipino na nagpunta sa Las Vegas para live na panoorin ang bakbakan nina Manny at Ricky.

Dito sa atin, palabas sa mga piling sinehan ang boxing atsutsutsu ng dalawang boksingero.

Watch na lang ako sa TV dahil pareho rin naman ang magiging resulta. Ang pagkakaiba lang, maraming TV commercial ang delayed telecast na mapa­panood sa GMA 7.

Walang SOP ngayon dahil naka-reserba ang timeslot ng show sa Pacquiao-Hatton fight. Ang balita ko, nasa kundisyon ang katawan ni Manny kaya relax na relax ang itsura niya sa weigh-in kahapon.

Worried lang ang mga Pilipino sa Las Vegas dahil sa balita na mas marami ang mga Briton na manonood as in binili nila ang 70% ng tickets para ipakita ang kanilang suporta kay Hatton.

Mas nakalalamang man ang mga Briton, nakakatiyak si Manny na ipinagdarasal ng lahat ng mga Pilipino ang kanyang tagumpay. Ipagdasal natin si Manny dahil ang tagumpay niya eh tagumpay ng ating bayang magiliw.

* * *

Sosyal si Manny dahil mismong si Papa Bill Clinton ang nag-imbita sa kanya na bumisita sa hotel room ng dating pangulo ng Amerika.

International celebrity na talaga ang status ni Manny. Mga kilalang persona­lidad sa Amerika ang nag-uunahan na makilala siya. kahit tanungin ninyo sina Micky Rourke, Mark Wahlberg, Christian Bale at Papa Bill.

* * *

Mapapanood natin sa Showbiz Central ang phone-patch interview kay Manny at sa kanyang nanay na si Dionisia.

Kinakabahan si Aling Dionisia pero buo ang kanyang paniniwala na hindi pababayaan ni Lord ang kanyang anak.

Ang balita ko, nag-hire pa si Jinkee Pacquiao ng make-up artist para sa kanyang karakter na biyenan.

Nangako ang make-up artist na complete make-over ang kanyang gagawin sa madir ni Manny.

Kuntodo-make up si Aling Dionisia nang pumunta sa Amerika dahil gusto niyang maging presentable sa media people na sasalubong at mag-iinterbyu sa kanya sa airport.

Hindi nagkamali ang hinala ni Aling Dionisia dahil mga international TV crew ang sumalubong sa kanya sa airport.

* * *

Inaabangan ang pagkanta ni Martin Nievera ng Lupang Hinirang sa laban ni Manny. Gustong makita ng fans ni Francis Magalona kung tutuparin ni Martin ang promise nito na 3 Stars and A Sun ang isusuot niya bilang tribute sa yumaong singer-rapper.

Natuwa ang pamilya ni Francis nang malaman nila ang gagawin ni Martin.

Sige nga,wait and see tayo sa mga mangyayari ngayong umaga.

vuukle comment

ALING DIONISIA

AMERIKA

CHRISTIAN BALE

DAHIL

FRANCIS MAGALONA

JINKEE PACQUIAO

LAS VEGAS

MANNY

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with