^

PSN Showbiz

Kaya pala inaayawan ng mga manager at never naging bida: Aktor aminadong kunsumisyon, mabarkada at palainom talaga

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - The Philippine Star

Kaya pala walang gustong mag-manage sa aktor ay dahil pasaway talaga. May isa kasing nire­rekomenda sa kanya para mag-manage ng kanyang career.

Sukat ba namang ito ang litanya niya: “Kaya mo ba akong i-handle? Matigas ang ulo ko. Umiinom ako ng alak at ginagabi kasama ng aking mga barkada.”

Right there and then hindi na tinanggap ng lady manager at nag-dialogue ito sa kanya ng “Hindi ko pinangarap na kumuha ng bato at ipukpok sa ulo ko sa kunsumisyon sa kanya.”

Kaya pala hindi naging bida ang aktor sa tinagal-tagal nito sa showbiz. Pang-suporta lagi ang karakter na ginagampanan niya.

Sarah maghihintay sa tamang lalaki

Mabait at masunuring anak si Sarah Geronimo kaya pinagpapala. Ngayong tumigil na sa panliligaw si Gerald Anderson ay ang ina ni Sarah na si Mommy Divine ang itinuturong dahilan.

Nagsalita na ang Pop Princess at ina­­ming hindi ang kayang ina ang nagpatigil kay Gerald sa panliligaw sa kanya.

Ayon sa mag-asawa nang mag-guest sa Sarah G. Live! ay binigyan nila ng permiso ang aktor para makadalaw sa kanilang tahanan. Ayaw ng magu­lang ni Sarah na sa labas ito liligawan o sa text. Tama lang naman ito, ’di ba?

Marahil ay hindi ito napagtiyaga­an ng aktor kaya tumigil na sa pan­liligaw. Sinabi naman ni Sarah na hin­di naman siya nagmamadali at ma­ka­paghihintay sa tamang pag-ibig.

Kris umamin nang inuna ang career kesa patulan si Aljur

Balik-tambayan sina Aljur Abrenica and Kris Bernal sa bagong teleseryeng gagawin ng GMA 7. Nabuhayan ng pag-asa ang fans ng dalawa.

Inamin ni Kris na sana’y nagkatuluyan na sila noon bilang mag-dyowa kaya lang hindi natuloy dahil iniisip nito ang kanyang career.

Kung ligawan siyang muli ni Aljur ay may pag-asa na kayang mapasagot na siya ng binata?

Ayon sa magandang aktres, malaki ang tsansa ni Aljur dahil mabait ito. Kilala na rin niya.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA AND KRIS BERNAL

AYON

GERALD ANDERSON

KAYA

MOMMY DIVINE

POP PRINCESS

SARAH G

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with