^

PSN Showbiz

Pops, Martin annulment, isang malaking isyu

-
Hindi ko aakalain na ang annulment ng kasal ni Pops Fernandez at Martin Nievera ay isang napakalaking showbis balita na higit pa yata ang importansya sa kanilang kasal at pagsasama about 15 years ago.

Ngayon pati ang annulment ni Pops ay bahagi ng promotion ng kanyang bagong pelikulang Gusto Ko Nang Lumigaya, na para bang ang ibig sabihin ay hindi naging maligaya si Pops all these years.

Pero pelikula lang naman iyon, ngunit sa isipan ng mga tao dahil sa tindi ng promosyon, lumalabas kayang martir na asawa si Pops at parang ngayon lang siya nagwawala lalo pa nga at may pagka-bold ang kanyang role?

Kapag pumatok sa takilya ang Gusto Ko Nang Lumigaya, swerte ang Viva dahil tatlong box-office queens ang nasa kanilang bakuran – si Regine Velasquez, si Joyce Jimenez at si Pops. Kailangan humabol ng husto ang Star Cinema at kung tutulog-tulog sina Claudine, Jolina at Judy Ann baka masapawan agad sila. Pero balita ay may project din si Judy Ann Santos sa Viva?
Cogie Domingo aalagaan ng GMA films
Malaki raw ang tiwala at pag-asa ng GMA Films kay Cogie Domingo bilang isang new teenage matinee idol.

Kaya lang parang hindi gaanong pumatok ang una niyang starring role na kasama si Lorna Tolentino kung saan siya gumanap na drug addict. Isa na namang batang kriminal ang role ni Cogie sa Death Row na nira-rush ng GMA Films in time for the forthcoming Metro Manila Film Festival. Si Eddie Garcia ang headliner at si Joel Lamangan ang direktor. Marami raw young stars ang kasali sa project na ito na puwedeng follow-up sa box-office hit at critically acclaimed movies ng GMA tulad ng Rizal at Muro Ami.
Mga pelikulang pampalipas oras
Hindi na problema ng isang insomniac ang pagpapalipas ng gabi na walang ginagawa.

Sa dinami-dami ng mga movie cable channels, magsasawa ka nang pagpapalipat-lipat ng programa kung gabi at madaling araw at matatagpuan mo ang libangang iyong hinahanap o gusto. Nandiyan ang TCM (Turner Classic Movies na parang vintage MGM and Warner Brothers movies), HBO, Hallmark Theater, Star World. Ang maipupuri mo sa Hollywood old movies kahit 50 or 40- years old na ang mga pelikula, okey pa rin ang print at sound. Ang mga lumang Tagalog films sa Viva at Solar Channels karaniwan malabo ang print at gasgas ang sound. Ang Burlesk Queen ni Vilma Santos ay napakagandang panoorin pero dahil nga sa technical flaws ng pelikula, makakabawas iyon sa iyong enjoyment ng pelikula. Pero iba pa rin ang original Burlesk Queen, magaling sa lahat ng aspects of filmmaking.

Kung ikaw ay isang seryosong estudyante ng pelikula, ang panonood ng lumang pelikula ay parang isang mahalagang leksyon upang mahanap mo hindi lamang ang social history ng isang bansa kundi pati ang political development ng isang mahalagang industry gaya ng motion picture industry. Napapanood mo ang arte at galing ni Charlie Chaplin sa pagpapatawa kahit walang salita, at ang mahiwagang kagandahan ni Greta Garbo o ang kaseksihan ni Marilyn Monroe. Noong isang gabi napanood ko ang Bhowani Junction with Ava Gardner na lumabas din bilang isang mestisang Bumbay na nag-agaw ng loyalty bilang isang English girl at Indian woman. Ang ganda-ganda pala ni Ava Gardner. At may isang part ng movie sa Bhowani Junction tungkol sa attempted assassination kay Gandhi.

Ang napapansin ko lang, mas malaki ang responsibilidad ng mga artista sa pelikula noon kaysa ngayon dahil ngayon maraming bagay sa success ng isang project ang nakasalalay sa special effects at mga visual technology. Ang mga pelikula noon ay parang dala-dala ang mga artista sa kanilang pag-arte.
*****
Email: [email protected]

vuukle comment

AVA GARDNER

BHOWANI JUNCTION

BURLESK QUEEN

COGIE DOMINGO

GUSTO KO NANG LUMIGAYA

ISANG

PELIKULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with