^

PSN Showbiz

Basura ! ! !

-
Samantalang abala ang buong bansa sa pag-iimbestiga sa kaso ng Pangulong Joseph Estrada at ang kanyang mga kalaban ay walang pagod sa pagmamartsa sa lansangan para siya mapag-resign, unti-unti ang bansa ay natatakpan na ng basura. Maging ang mga pangunahing lansangan ng siyudad ay mistulang mga bundok na sa dami at sa taas ng nakatambak na basura na hindi lamang nagbibigay ng masamang amoy sa kapaligiran kundi nagsisilbing isang masamang tanawin at pangitain sa mga mamamayan.

Oo na, abala ang ating mga opisyal ng pamahalaan sa kani-kanilang mga interes para sa nalalapit na halalan at ang maraming mayor na hindi na maaring ihalal pang muli ay nawalan na ng interes at wala nang pakialam kung nanlilimahid man ang kanilang mga siyudad na dating anila’y kanilang pinaka-mamahal pero sana man lamang ay obligahin nila ang kanilang mga barangay officials para gawin ang mga trabahong hindi na o ayaw na nilang gawin.

May bisita akong banyaga na aking inilibot nung nakaraang weekend sa Cubao at nanliit ako nang mapuna niya ang mala-Payatas na basura na narun mismo sa heart of Cubao, sa pagitan ng Aurora Blvd. sa may EDSA. Ang ganitong tanawin ay nauulit sa marami pang lansangan, sa Araneta Ave., sa gilid ng munisipyo ng Bacoor, Cavite, sa Nepa Q-Mart, Edsa, sa tapat ng Santo Domingo Church sa Quezon Ave. at marami pa. Kung napapansin nyo , kung saan may mga babala na bawal magtapon ng basura ay saka nagtambak ang basura. Kung hindi ito malulunasan, isang araw magigising tayo na may mga sakit na tayo.

Let’s all help para sa ating kapakanan na rin. Kung ayaw nilang mangolekta ng basura at hindi natin magising ang damdamin ng ating mga opisyal tungkol dito, tayo na mismo ang tumulong sa ating mga sarili. Yung mga paper products, pwede nating sunugin, kahit sa isang maliit na aluminum container, paunti unti. Ang nanay ko nga sa isang malaking lata ng biskwit lang nagbabawas ng aming basura. Yung mga plastic products binibili ito. Kahit ng mga nagdi-dyaryo bote lang. Yung mga tinik, kaliskis at bituka ng isda, dinidiknik namin ito at ibinabaon sa lupa. Kung walang lupa, baka may pusa kayo, kumakain ito ng bituka ng ilang isda.

Kailangang humanap tayo ng paraan para mabawasan ang basura natin. For sure magtatagal pa bago tayo mapansin ng ating mga opisyal, bago regular na makolekta ang ating mga basura.
* * *
Sikat na talaga si Pops Fernandez. Tinatanggap na siya ng tao as a sexy star. Maging sa Simbahan ay nagiging subject na siya ng homily.

During a Sunday Mass sermon, one priest wondered kung bakit ang isang disenteng babae na katulad niya ay pumayag mag-bold sa kanyang pelikulang Gusto Ko Nang Lumigaya. Of course, ang basehan ng pari ay ang mga nakikita lamang niya na promotions para sa pelikula, mga romantic poses ni Pops kasama ang mga kasama niya sa pelikula. Like Albert Martinez, Diether Ocampo and Anton Bernardo. Hindi pa niya napapanood ang shower scene ni Pops in the nude, ang bedroom scene nila ni Albert, ang ginawang rape nito sa kanya, ang love scene nila ni Anton sa locker room. Nagpakita pa ang pari ng isang newspaper clipping sa mga nagsisimba, wondering kung may kinalaman ang mga ginagawa ni Pops sa naging paghihiwalay nila ni Martin Nievera.

Ako, naniniwala ako na may kinalaman ang pagpapaseksi ni Pops nun na sa naging resulta ng paghihiwalay nila ni Martin. Pakiramdam ko nga parang pagre-rebelde niya ito sa kanyang sarili o kung hindi man ay para gulatin si Martin na sa aking palagay ay nagulat naman but he couldn’t do anything anymore. Pops has to fend for herself and her two sons. Siguro ay ayaw niyang iasang lahat kay Martin ang kanilang finances. O baka naman, hindi nagbibigay si Martin kaya iniasa pa ni Pops sa korte ang pag-uutos kay Martin na bigyan sila ng sustento.

No matter, Pops seems to be happy now and fulfilled personally and professionally. Nakita n’yo ba silang dalawa ni Martin sa ASAP? Parang okay na sila. May tensyon pero, hindi na gaano. Soon mahaharap na nila ang isa’t isa nang walang sakit na mababakas sa kanilang mga mukha.
* * *
Soap opera, drama anthology, drama series, telenovela at ngayon, teleserye naman ang tawag sa madadramang palabas na hindi natatapos sa isang panooran lamang kundi sa maraming yugto.

Gaya ng bagong palabas ng ABS CBN at Star Cinema na may pamagat na Pangako sa ’Yo. Pinaghalo raw dito ang magnitude of a continuing series and the sophisticated artistry of film making. Mas mabilis din daw ang takbo nito kaysa ibang ordinaryong soap opera. Isang episode lang ang hindi mapanood ay mawawala na sila sa istorya.

Bukod sa lakas ng isa sa pinakasusubaybayang mga kabataang artista at loveteam na binubuo nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, itinatampok sa teleserye ang ilang mga artista na matagal nang nami-miss sa screen. Gaya ni Ms. Lisa Lorena, ni Jay Manalo at ni Jean Garcia.

Jay takes time out from his busy schedule in school para gampanan ang isang papel na aniya ay ikagagalit ng lubha sa kanya ng mga manonood.

Abala naman sa kanyang trabaho sa Japan si Jean nang tawagan siya ng ABS para alukin ng role sa serye. HIndi agad niya ito matanggap dahilan sa may pinirmahan siyang kontrata sa Japan pero dahilan sa para sa kanya talaga yung role kung kaya hinintay nila ang pagdating niya.

Nanibago naman si Lisa nang unang humarap sa kamera. Mabuti na lamang at kasama sa serye ang kanyang anaka na si Tonton Gutierrez na siyang nagturo sa kanya ng mga bagay tungkol sa makabagong pagsasagawa ng taping. Matagal nabakasyon si Lisa at aniya ay malaki na ang ipinagbago ng paggawa ng palabas nun at ngayon sa TV. Hindi naman siya nahirapang mag-adjust sapagkat ayon nga sa kanyang anak ay isa siyang magaling na aktres at marami ng awards.

Dahilan sa kabigatan ng trabaho at sa dami ng artistang involved, ang mga unang episodes ay pinagtulungan ng dalawang direktor, sina Olive Lamasan at Rory Quintos. Sa mga latter episodes, Rory took over at naging creative consultant na lamang si Olive.

Mapapanood ang Pangako sa ’Yo sa Nobyembre 13, Lunes sa ika-7:00 ng gabi sa ABS CBN with Jestoni Alarcon, Eula Valdez, Amy Austria, Jodie Santamaria, Carlo Muñoz, Eva Darren, Nikka Valencia, Patrick Garcia, Luis Alandy at Vanessa del Bianco.
* * *
Binabati ng column na ito ng happy birthday ang masipag na Vice Mayor ng Quezon City na Si Connie Angeles.

Maraming nagtatanong kung anong posisyon ang tatakbuhin niya sa susunod na eleksyon pero wala pa sa pulitika ang atensyon ng maganda pa ring vice mayor.

vuukle comment

AMY AUSTRIA

KUNG

PARA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with