^

PSN Showbiz

Vina, muntik masiraan ng loob

-
Nakahinga ng maluwag si Vina Morales nang matapos ang hindi naman katagalang paghihintay ay ipalalabas na rin ang pelikula na pinagtambalan nila ni Jinggoy Estrada na pinamagatang Sagot Kita... Mula Ulo Hanggang Paa ng Millennium Cinema. Naantala ang pagpapalabas nito dahilan sa kaguluhang nangyayari sa bansa na naapektuhan ng husto ang kanyang kapareha sa pelikula pero, ipalalabas na rin ito bukas, Nob. 1 sa mga commercial theaters.

"Akala ko masasayang na lang ang pagod namin, pinaganda pa naman namin ng husto ang movie. Talagang masisiyahan ang mga manonood," ani Vina.

Sa movie ay nagamit ni Vina ang kanyang kahusayan sa pagsasayaw. Kahit na may pagka-comedy ang dance scene nila ni Jinggoy ay hindi pagtatawanan ng mga manonood ang eksena, bagkus ay hahangaan nila si Jinggoy sa effort na ipinakita nito para mapalabas na maganda ang aksena. "Nakakahiya naman kung basta na lang ako susubo sa eksena nang walang preparasyon, ang galing galing sumayaw ng kapareha ko," ani Jinggoy.

vuukle comment

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

KAHIT

MILLENNIUM CINEMA

MULA ULO HANGGANG PAA

NAANTALA

NAKAHINGA

NAKAKAHIYA

SAGOT KITA

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with