^

PM Sports

Cagayan kampeon sa CAVRAA

Victor Martin - Pang-masa

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Nasungkit sa ikalawang pagkakataon ng lalawigan ng Cagayan ang overall title sa katatapos na 2017 Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) sa Ilagan City Sports Complex sa Isabela.

Sa awarding ceremony  noong Feb. 28, itinanghal ang lalawigan ng Cagayan bilang over-all champion ng CAVRAA meet matapos makakuha ng 91-gold, 79-silver at 92 bronze medals.

Nasa ikalawang puwesto ang Isabela na may 83-gold, 56-silver at 88-bronze medals habang ang Nueva Vizcaya na champion noong CAVRAA 2015 ay nasa ikatlong puwesto na may 50-gold, 54-silver at 81-bronze medals.

Nasa ikaapat naman na puwesto ang Santiago City (40-gold, 29-silver, 32-bronze;  kasunod ang host na Ilagan City (37, 53, 35), Quirino (28-41-40) Tuguegarao City (25-35-59), Cauayan City (8-15-18) at Batanes , 2-1-3.

Ang anim na araw na CAVRAA meet ay nilahukan ng mga atleta mula sa 5 lalawigan at 4 na lungsod ng Cagayan Valley na sumabak sa basketball, volleyball, football, baseball, badminton, softball, tennis, sepak takraw, chess, track and field, boxing, swimming, archery, gymnastics, cycling at iba pa.

Labis naman ang tuwa na nadarama ng mga atleta, coaches at mga residente ng lalawigan ng Cagayan dahil sa kabila umano ng pagsalanta ng bagyong Lawin sa kanilang lugar na sumira sa mga school facilities ng lalawigan noong Oktubre 2016 ay muli nilang nakuha ang kampeonato.

Sa isinagawang awarding ceremony ay pormal naman na ipinasakamay ni Mayor Evelyn Diaz ng Ilagan City ang CAVRAA banner kay Mayor Bienvenido de Guzman ng Tuguegarao City bilang host sa susunod na CAVRAA 2018.

 Ayon naman kay Dr. Estela Cariño, CESO IV, DepEd director for Cagayan Valley, ang nasabing sports meet ang siyang magiging batayan sa pagpili sa mga atleta na isasabak naman ng rehiyon sa Palarong Pambansa na gaganapin ngayong taon sa San Jose de Buenavista, Antique. 

vuukle comment

CAVRAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with