^

PSN Showbiz

Camille hindi pa decided kung sa Amerika na titira pagkakasal

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tuloy na tuloy na ang pagpapakasal ng Kapuso actress-TV host na si Camille Prats sa kanyang US-based Filipino fiancé na si John “VJ” Yambao na nakatakdang ganapin sometime in January next year.

Sina Camille at VJ got engaged last July 18.

Limang taon na ring biyuda si Camille sa una nitong asawang si Anthony Linsangan sanhi ng sakit na kanser sa edad na 31. Ang mag-asawa ay may isang anak, si Nathaniel Caesar (Nathan), 8 na pumasok na rin sa showbiz.

Year 2013 nang muling magtagpo ang landas nina Camille at VJ na dati nang magkailala.

Since naka-base sa Amerika ang mapapa­ngasawa ni Camille, hindi pa sigurado kung si VJ ang mag-i-stay sa Pilipinas to be with Camille and her son o sa Amerika na sila mamimirmihan.

Bukod sa kanyang pag-aartista at pagiging TV host, si Camille ang siyang namamahala ng kanilang family school business sa Cainta, Rizal.

Samantala, hindi na rin kailangang mag-adjust ang kaisa-isang anak ni Camille sa kanyang namayapang asawa dahil very close si Nathan sa magiging bagong mister ng actress.

Vic nagmamadali na para sa MMFF

Mukhang inspired ang TV host-comedian na si Vic Sotto sa kanyang pagkakaroon ng bagong misis, ang singer-actress at isa sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga na si Pauleen Luna dahil habang tumatagal ay lalo itong bumabatang tingnan.

Sa grand launch ng bagong brand endorsement ni Bossing (Vic), ang Chooks-to-Go na ginanap sa Isla Ballroom ng EDSA Shangri-La Hotel kamakailan lang, marami ang nakapansin ng pagiging young-looking ni Vic.

Ayon sa pamunuan ng Bounty Agro Ventures, Inc. na siyang may-ari ng Chooks-to-Go, nagpa-survey umano sila kung sino ang gusto nilang next celebrity endorser ng kanilang produkto at nanguna si Bossing dahil sa kakaiba nitong charisma sa publiko.

Speaking of Vic Sotto, abala rin ito ngayon sa shooting ng kanyang Enteng Kabisote 10 na nakatakdang ilahok sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang nasabing pelikula ay magkatulong na pinamamahalaan nina Tony Y. Reyes at Marlon Rivera at joint production ng OctoArts International, M-Zet Productions, at APT Entertainment.

Ang deadline ng final submission ng finished product ay sa katapusan ng buwang kasalukuyan habang ang announcement ng siyam na magiging opisyal na kalahok sa MMFF ay nakatakdang ianunsiyo sa November 10, 2016.

vuukle comment

CAMILLE PRATS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with