^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag nang magpadala ng DH sa Kuwait

Pang-masa

SI Pres. Rodrigo Duterte mismo ang nag-utos sa Department of Labor and Employment (DOLE) na itigil na ang pagpapadala ng mga manggagawa sa Kuwait, kasunod ng mga report na may mga namatay na overseas Filipino workers doon. Noong nakaraang linggo, apat na OFWs ang iniulat ng Kuwaiti Foreign Ministry na namatay doon. Agad nagpasya si Duterte na ipatigil ang deployment ng workers sa Kuwait. Ayon naman sa DOLE, ang OFWs na may overseas employment certificates (OECs) at naka-booked na ang flight ay hindi kasama sa ban.

Katanggap-tanggap ang aksiyon ng Presidente sa pagpapatigil ng mga manggagawa sa Kuwait lalo pa’t patuloy ang pang-aabuso ng mga employer doon. Pero mas maganda kung ang ibabawal lamang ng Presidente ay ang deployment para sa domestic helpers (DHs). Sa lahat ng bansa sa Middle East, ang Kuwait ang may pinakaraming nai-report na pang-aabuso sa mga Pilipinang DHs. Grabe ang ginagawang pang-aabuso roon hindi lamang ang mismong employer ng Pinay kundi maging ang mga pulis o kahit mga tinedyer. Ang among babae ay walang patumangga kung buhusan nang mainit na tubig ang maid o plantsahin sa likod.

Noong 2014, napabalita ang isang Pinay maid na nagtatakbo nang hubad sa kalsada ng Al-Oyoun, Kuwait City. Hinihinalang nasira ang isip ng Pinay makaraang abusuhin ng kanyang amo. Mayroon namang nagsabi na nakatakas ang Pinay sa aktong panggagahasa ng kanyang amo.

Noong 2012, ipinagtapat ng isang Pinay ang masaklap na karanasan sa dalawang pulis Kuwaiti na nanggahasa sa kanya. Ayon sa Pinay, naghihintay sila ng kanyang asawa ng taxi patungo sa pinagtatrabahuhan nang tigilan sila ng police car. Bumaba ang mga pulis at hinanapan sila ng marriage certificate. Nang sabihin nilang nalimutan sa bahay ang dokumento, isinakay sila sa police car at tinungo ang kanilang tirahan para kunin ang marriage certificate. Ang kanyang asawa ang bumaba para kunin ang dokumento sa bahay. Pero sa halip na hintayin ang pagbalik ng asawa, tinangay na siya ng mga pulis at dinala sa isang tent sa disyerto. Kahit may regla ang Pinay ay walang awang ginahasa.

Ayon sa Migrante International, araw-araw ay may inaabusong Pinay maid sa Kuwait. Dalawa sa bawat tatlong Pinay ay nakararanas ng pang-aabuso roon. Tama lamang na huwag nang magpadala ng workers sa Kuwait, particular ang DHs. Tama na ang pagtatrabaho sa bansang malupit at walang konsensiya ang amo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with