^

Punto Mo

‘Buriki’ sa paliparan, tutukan, huwag tantanan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nabulabog nang husto ang mga opisyal at tauhan ng Clark Airport  nang muling magpuyos sa galit si Pangulong Digong sa nabuking na ‘buriki gang’ sa paliparan kung saan  ninakawan ng mga bagahe ang dalawang OFWs.

Grabe naman kasing walang kadala-dala ang mga ito at ayaw umayos at patuloy sa paggawa ng kabulastugan sa mga paliparan.

Matindi ang naging galit ng Pangulo. Aba’y sino nga ba naman ang hindi magagalit sa hinagpis na sinapit ng dalawang OFWs ninakaw  ng laman ng bagahe  nang lumapag sa Clark airport.

Buking na buking ang mga sangkot na tauhan sa paliparan na sinabi ng Pangulo na agad na sibakin at aksyunan ,  nang wag pamarisan.

Ang titikas naman kasi, bakit pinag-iinteresan ang mga gamit ng iba,. Pinaghirapan ng mga manggagawa ang kanilang mga uuwi sa pamilya tapos at  mawawalang parang bula dahil kinulimbat ng mga kawatan sa paliparan.

Pati nga si DOTr SecretaryArthur Tugade ay nataranta sa ibinigay na ultimatum ni Pangulong Digong na pagsisibakin ang mga gumagawa ng kalokohan sa airport.

Damay na rin ang mga opisyal sa paliparan, maging ang ground handling companies, manpower service at security personnel na mahigpit na pinababantayan ang kanilang mga tauhan at linisin ang kanilang hanay.

Kailangan nilang linisin at walisin ang mga kawatan na tauhan dahil nga pagnaulit daw ang ganitong ilegal na aktibidades, aba’y may banta ang Pangulo na sisibakin lahat ang personnel sa paliparan at papalitan lahat ng mga bagong tauhan.

Hindi lang sa Clark ang babala ng Pangulo kundi sa lahat ng paliparan sa bansa.

Kung dati’y laglag bala ang sinasabing kinatakutan sa airport, ngayon mukhang ang mga ‘buriki gang’ ang dapat na mabantayan.

Wala talagang kadaladala kung sinuman ang malalakas ang loob na gumagawa pa ng ganitong mga kalokohan, wag nilang subukan si Pangulon Digong dahil hindi pa dyan natatapos ang galit niya sa natuklasan na namang gawa ng mga kawatan sa paliparan.

Subukan inyo!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with