^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga guro, nganga sa dagdag-sahod

Pang-masa
EDITORYAL - Mga guro, nganga sa dagdag-sahod

SA 2020 pa magkakaroon ng increase sa kanilang sahod ang mga public school teachers, ayon sa Department of Budget and Management (DBM). Marami pa umanong isasaayos sa salary system ng mga guro. Pero ang nakapagtataka, ura-urada namang nabigyan ng increase ang mga pulis at sundalo. Bakit hindi nagawa ng gobyerno na maisabay ang sahod ng mga guro ngayong 2018 at kailangan pang maghintay ng tatlong taon.

Kung mahirap ang sinusuong ng mga sundalo at pulis sa pagtupad ng tungkulin, ganito rin naman ang mga guro. May mga guro na kailangan pang tumawid ng ilog, umakyat ng bundok at maglakad sa maputik na daan para makarating sa school na pinagtuturuan, mapaaraw man o umuulan. Marami sa kanila ang napapahamak habang patungo sa paaralan. Pero sa kabila ng mga ‘yan, patuloy pa rin silang tumutupad sa tungkulin,

Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga guro. Sila ang humuhubog sa isipan ng mga bata para ma-ging responsableng mamamayan. Sila ang ikalawang magulang ng mga bata sa eskuwelahan. Ang mga guro ang gumagabay sa mga bata para hindi maligaw ng landas. Sa panahon ng eleksiyon, ang mga guro ang laging tumutulong. Kapag may kalamidad  -- gaya ng bagyo, lindol at pagbaha, ang mga guro rin ang tumutulong sa paghahatid ng relief goods at iba pang pangangailangan.

Bago pa pumasok ang 2018, inihayag ni Pres. Rod­rigo Duterte na hindi lamang mga pulis at sundalo ang magkakaroon ng increase sa kanilang suweldo kundi pati na rin ang mga guro sa pampublikong eskuwelahan. Pero hindi nagkatotooo ang pangako ni Digong sa mga guro, sapagkat tatlong taon pa nga ang hihintayin bago magkaroon ng increase.

Bakit kailangang paghintayin nang matagal ang mga guro? Kung ang mga pulis at sundalo ay agad nabigyan ng increase bakit hindi ang mga guro?

Kawawa naman ang mga guro lalo na ang mga nasa liblib na nagtitiiis maglakad ng kilu-kilometro, pumanhik ng bundok para lamang magampanan ang tungkulin.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with