^

Punto Mo

Walang urungan sa mga bulok at mausok na PUV!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Naku,  talagang inaraw-araw  ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ang kanilang operasyon laban sa  mga mausok at bulok na mga pampublikong sasakyan.

Sinasabing bahagi ito ng ipinatutupad na modernization program ng pamahalaan na dahil nga bukod sa banta sa kaligtasan ng mga pasahero , eh madalas na sanhi pa rin umano sa trapik sa  mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Aba’y talagang walang ligtas sa ‘Oplan tanggal usok, tanggal bulok’ ang mga kakarag-karag na sasakyan.

Yun nga lang mga commuters naman ang sinasabing nagrereklamo  dahil daw sa kakulangan ng  masasakyan sa lansangan.

Inuma-umaga ng I-ACT ang pagwalis sa mga bulok at mausok na sasakyan, ang iba nga napipilitang magtago kapag nandyan na ang mga manghuhuli.

Iisa lang naman ang ibig sabihin nito, meron silang mga paglabag kaya sila nagtatago.

Kung maayos nilang pinapasada ang kanilang mga sasakyan, walang sabit sa papeles o anuman hindi sila mangangamba nandyan man ang mga nanghuhuli.

Ipinagpauna  noon pa man ang tungkol sa modernization program sa mga public utility vehicles, ilang beses na rin itong naudlot ipatupad para mabigyang pagkakataon ang mga operators at drivers  na mapalitan o kaya ay maisaayos ang kanilang sasakyan.

Pero tila nagbibingibingihan ang mga ito at binabalewala ang kautusan at ngayong wala nang makapigil sa pagpapatupad,  doon  aligaga sa pag-iwas sa operasyon.

Sana nga ay hindi ningas –kugon lamang ang ginagawang operasyon laban sa mga   bulok  at kakarag-karag na pampublikong sasakyan hindi lamang sa mga jeepney, kundi sa lahat ng mga bus, kasama na rin ang mga TNVs.

Ang hirap naman kasi ,sa ilang operators alam na nila ang diprensya ng kanilang sasakyan, ayaw talagang ipaayos at sadyang hinahayaan na lang kahit pa banta na ito sa kaligtasan ng kanilang mga lulang pasahero.

Wag naman sanang may kilingan kung mag-ooperate, i-operate sa lahat para walang masabi ang ilan.

Maging sa suot ng mga driver ng  mga pampublikong sasakyan, sana ay mabigyan ng pansin na maisaayos rin, para nam,an representante rin sa kanyang mga pasahero.

May ilang na ang dungis-dungis na talaga, naka-short , naka-tsinelas, bulok na sasakyan, pati driver nagmumukhang ‘bulok’ din.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with