^

Punto Mo

‘Western Union Strikes Two!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI talaga maiiwasan na sa isang institusyon ay magkaroon ng kapalpakan, natural lamang magkamali. Subalit kung paulit-ulit ang pagkakamaling ito at walang hakbang na ginagawa upang itama, anong tawag na doon?

Maaaring kapabayaan, puwedeng wala talagang pakialam at posible namang modus na talaga ang gawaing di kaaya-aya. Kung anuman ‘yan, hindi pinapalagpas ‘yan ng Kilos Pronto lalo na’t suki kayong ireklamo sa aming tanggapan.

Western Union strikes two! Bagong taon, bagong perwisyo idinulot sa pamilya ng nagrereklamong Overseas Filipino Worker sa Taiwan ng Western Union Lopez, Quezon Branch.

Ang Pinay na caregiver na lumapit sa Kilos Pronto, nagpadala ng P66,000 noong December 12 para pampagamot ng kaniyang amang maysakit. Nagtaka ang biktima na hindi pa man niya naibibigay ang control number sa kaniyang pamilya sa Pinas ay may nag-claim agad ng pera! Aba’y nakakaloko ano? Inireport niya ito sa remittance center na pinagpadalhan at nangakong aayusin.

Dahil kailangang-kailangan ng pera ng kanyang ama sa Pinas ay muli siyang nagpadala ng P13,000. Eto ang siste, hindi pa man naibibigay sa kanya ng teller ang transaction o control number ay muling may nag-claim ng pera.

Pambihira, magic talaga ano?! Ang pobre, napilitang umuwi sa Pinas noong Disyembre 17 at diretso niyang tinungo ang tanggapan ng Western Union, Lopez Quezon Branch. Kinumpronta niya ang tanggapan para alamin kung sino ang nag-claim ng pinadala niyang pera at paanong nangyari na may nakakuha ng walang control number? Sagot ng dorobong remittance center, magsampa na lamang daw si OFW ng kaso laban sa kanila.

Mga hinayupak kayong putok sa buho diyan sa Lopez, Quezon Branch, mga sandamakmak kayong gunggong at dupang. Pinaghirapang kitain ng tao pagkatapos ay ayaw n’yo pang tulungan?

Noong Martes, live sa Kilos pronto, napag-alaman namin ni Tol Erwin at Alex Santos na taga San Pedro, Laguna ang nakakakuha ng pera. At tulad ng inaasahan, hindi sumasagot ang Western Union main office sa aming  mga email at hindi rin sinasagot ng kahera ng Lopez, Quezon branch ang tawag ng Kilos Pronto.

Idiniretso namin ang reklamo sa pulis at nakausap naming si SPO3 Rodel Paloma, hepe ng Investigation Section ng Lopez Municipal Police Station. Agad nangako ng tulong si SPO3 Paloma, makipag-ugnayan lamang sa kanyang tanggapan ang pamilya at ang biktima.

Hindi pa diyan natapos, iniakyat namin ang reklamo sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Ayon kay Pia Roman-Tayag, ang Director and Concurrent Head ng Financial Consumer Protection Dept. ng BSP, posibleng may sindikato nga sa loob ng tanggapang inirereklamo kaya agad ikakasa ang isang imbestigasyon.

Hoy Western Union, palpakis na nga ang inyong serbisyong Perang Padala, ayaw n’yo pang tumulong na masawata ang sindikatong naglalaro sa loob ng inyong mga pasilidad. Sige lang, ikababagsak niyo ‘yan. Di ako magtataka na dadami pa ang mabibiktima at lalapit sa amin dahil naging pabaya kayo sa inyong mga responsibilidad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with