^

Punto Mo

EDITORYAL - Bantayan ang mga buwitreng negosyante

Pang-masa

SA pagkaka-implement ng Tax Reform for Accele­ration and Inclusion (TRAIN), ang lubos na nakikinabang ay mga negosyante sapagkat agad-agad silang nagtataas ng presyo ng kanilang produkto kahit hindi pa naman dapat magpataw ng presyo.
Gaya halimbawa sa mga gas company, hindi pa lubusang naipatutupad ang TRAIN ay nag-anunsiyo na agad na magtataas sila ng presyo ng petroleum products. Pumalo agad sa mahigit P50 ang isang litro ng gasoline. Malinaw naman ang sinabi ng Department of Energy (DOE) na hindi pa dapat magtaas ng presyo ang gas companies sapagkat lumang stock pa ang nasa kanilang mga tangke. Lumang presyo na wala pang excise tax ang kanilang gasoline kaya hindi pa sila nararapat magtaas. Pero hindi nangyari ang babala ng DOE sapagkat agad ngang pumalo ang presyo ng gasoline, diesel at kerosene.

Sa ilalim ng TRAIN, pinatawan ng mataas na buwis ang matatamis na produkto gaya ng softdrinks at iba pang beverages. At siyempre, walang apektado rito kundi ang mamamayan. Tumaas ang softdrinks at iba pang matatamis na inumin. Sa mamamayan binawi ang ipinatong na value added tax.

Sa ilalim din naman ng TRAIN, ang mga kumikita nang kakarampot ay wala nang binabayarang tax. Pero dahil sa pagtaas ng mga bilihin, balewala rin ang nawalang tax sa suweldo. Napunta lang sa mataas na bilihin.

Ang nararapat gawin ng pamahalaan ay ma-monitor ang lahat ng mga establisimento at baka nagtataas na ang mga “buwitreng” negosyante ng kanilang produkto. Sikapin ng pamahalaan na huwag mapagsamantalahan ng mga ganid na negosyante ang mamamayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with