^

Punto Mo

‘Hilig mo ba’y paglalakwatsa? Basahin mo ‘to!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

UNANG buwan pa lamang ng taon subalit kabilaan na ang mga trip promo packages ng mga Tours and Travel agencies para sa vacation getaway ng buong pamilya, barkada, katrabaho at iba pa.

Naglipana sa mga social networking sites ang kani-kanilang offers at kadalasan ‘yung mas mura ay sulit at siguradong patok sa takilya! 

Ingat-ingat mga boss! Baka mamaya matulad kayo sa isang pamilya na taga-Rizal, ang kanila sanang masayang outing, napurnada!

Hulyo 3 noong nakaraang taon, nagpa-book daw sa Elite Program Services Business Consultancy ang mga biktima matapos mapalabukan ng magagandang offer sa Club Punta Fuego, Nasugbu, Batangas!

Mantakin mo, sa presyong P15,000, all-in na ang overnight stay, swimming at breakfast para sa buong pamilya.

Subalit noong Agosto 2017 ilang araw bago sila magbakasyon ay bigla nalang na-cancel ang kanilang trip sa kadahilanang ‘ala na raw slot?! Pendejong EPSBC! Kaya nga nagbayad ng cash ‘yan sa inyo para makapagpa-reserve ng maaga, nasaan ang kanilang pera kung ganoon?

Sa kabaitan naman ng pamilya, pumayag sila na ilipat ng araw ang kanilang bakasyon. Dating gawi ng mga kolokoy, ilang araw bago ang trip ng pamilya ay na-cancel na naman dahil ‘ala raw slot!

Kita mo ang katarantaduhan ng mga ‘to! Mga istilong “show me the money and run!” Ang siste ba ay ganun-ganon nalang?

Dahil sa perwisyong idinulot sa pamilya, napagdesisyunan na lang nila na-i-refund ang perang binayad subalit nagpalit na ang taon ay P2,000 pa lang ang nababayaran ng mga talpulano!

Ora mismo, tinawagan namin ang chief ng Business Permit and Licensing Office o BPLO sa Caloocan City na si Atty. Cho Vergara at napag-alaman namin na delingkwente na ang mga dorobo noong 2016 pa lang dahil nakapanloko na rin ang mga gago!

Nangako naman ang BPLO Caloocan na tuluyang ipapasara at ibabalik ang pera ng mga biktima. Eto talaga ang kahihinatnan ng mga dupang na kumpanya tulad nitong Elite Program Services Business Consultancy.

Ang gandang pangalan ng kumpanya hane, tunog lehitimo pero mga sangkaterbang manloloko.

Kaya sa mga mahilig lumarga at maglakwatsa, babala lang mga bossing! I-verify muna kung authentic ang inyong katransaksyon  para hindi magsisi inyong desisyon!

Kung gusto n’yo mapanood ang ibang produksyon ng BITAG Multimedia Network ay mag-subscribe sa aming official YouTube channel at abangan mamayang gabi ang pilot episode ng Crime Desk, 7:00-7:30 PM sa PTV4.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with