^

Punto Mo

Puwersa ng deboto maramdaman kaya sa plebisito?

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

NAKALULULA ang naging buhos ng mga deboto sa taunang traslacion sa kapistahan ng Black Nazarene, kaya  maging ang mga turista at foreign media ay mangha sa ipinakitang debosyon ng mga Pilipinong Katoliko na namamanata.

Halos 7,000 pulis at sundalo ang ikinalat sa buong Quiapo at pansamantalang ipinaputol ang signal ng cell phones upang masigurong walang magagamit na detonation device ang nagpaplanong magpasabog ng bomba sa ruta ng traslacion, kung meron man. Anim na milyong deboto ang binigyang proteksyon ng  pinagsanib na mga tauhan ng PNP at AFP sa amba ng panganib at nagampanan naman nila ng epektibo at naging mapayapa ang lahat. Mabuhay po kayo Gen. Rey Leonardo Guerrero, Gen. Ronald “Bato” dela Rosa at Gen. Oscar David Albayalde, Sirs!

Nagpasiklab din ang tropa ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim sa agarang paglilinis ng mga basura na ikinalat ng mga walang disiplinang deboto sa mga kalsada ng Quiapo.  May mga humalong sutil na mandurukot at may mga walang pakialam kung makasakit at makadagan makahawak lamang sa lubid at makahipo sa Itim na Nazareno.

Kung ang masidhing hangarin ng mga deboto ay maisasalin lamang sa diwa ng pagkakaisa sa pagsugpo ng kasamaan, magiging maunlad sana at payapa ang bansa ng walang hirap.Tiyak naman na magiging tinik sa lalamunan ito ng administrasyon kung magiging panatiko sila sa gusto ng liderato ng Simbahang Katoliko tuwing may eleksyon o plebisito. Ang kaso nga eh! Hindi sila masunurin ‘di tulad ng ibang relihiyon. Nagkakanya-kanyang diskarte ang mga Katoliko tuwing eleksyon.

May magkakaibang pananaw naman ang mga kongresista at mga senador hinggil pag-iisahing asembliya ng Kongreso at Senado. Gusto kasi ni Sen. Ping Lacson na ihiwalay ang boto ng mga senador dahil mawawalan daw ng saysay ang bilang nila kung ihahalo ito sa bilang ng boto ng mga kongresista.

Nagpahayag na si  Lacson na hindi siya pipirma ng pagsang-ayon dahil magiging hudyat ito ng pagkalansag ng Senado at Warrant of Death sa tungkulin nila bilang senador sakaling matuloy ang federal government. Paano yan ngayon?

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with