^

Punto Mo

15 Munting Dahilan Kung Bakit ka Tumataba

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG isang tao ay nadadagdagan ang timbang ng average na kalahati hanggang isang kilo per year. Kung patuloy ang pagbigat ng timbang, ito ay tataas hanggang 4.5 to 9 kilos per 10 years. Narito ang mga dahilan ng iyong paunti-unting pagtaba:

Mabilis kumain.

Kaunting uminom ng tubig.

Laging nakaupo.

Laging puyat.

Walang time para magpahinga. Walang pahinga equals stress. At ang stress ay nagpapalaki ng belly fat.

Laging kumakain sa malalaking pinggan. Kung malaki, ang tendency ay lagyan ng maraming pagkain.

Pinagsasabay ang pagkain at panonood ng TV. Ang resulta ng ganitong habit ay lumalaki ang kain. Palibhasa ay abala ang iyong utak sa panonood, hindi gumagana ang signal na busog ka na.

Sa halip na tubig, soda ang iniinom kapag nauuhaw.

Kulang sa protina ang kinakain. Pagkaing mayaman sa protina ay mabilis magpabusog kahit kakaunti pa lang ang nakakain mo.

Kulang sa fiber ang kinakain. Kung mayaman sa fibers ang kinakain, matagal makaramdam ng gutom.

Tamad maglakad. Sa halip maghagdanan, gumagamit ng elevator.

Kumakain nang maraming healthy fats kagaya ng avocado, olve ol at coconut oil. Kahit heathy fats, nakakataba rin ito kapag napasobra.

Laging umiinom ng milky coffee na mataas ang calories.

Mahilig kumain ng salad na may mayonnaise dressing.

Wala sa tamang oras ang pagkain ng agahan, tanghalian at hapunan. Dapat ay tama sa oras ang pagkain ng meal upang hindi magulo ang internal clock. Kung naguguluhan ang internal clock, ang naaapektuhan ay metabolism, digestion at appetite.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with