^

Punto Mo

11-anyos na Singaporean, nakapagtala ng bagong memory world record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA pamamagitan ng kanyang napakatalas na memorya, nakapagtala ang isang 11-anyos na Singaporean ng bagong world record matapos manalo sa katatapos lang na World Memory Championships na idinaos sa Jakarta, Indonesia noong nakaraang buwan.

Tinalo ni Dhruv Manoj, isang mag-aaral ng Sembawang Primary School, ang 20 pang ibang mga kalahok na pawang mga nasa 12-anyos at pababa ang edad.

Binigyan lamang ng 15 minuto ang mga kalahok upang kabisaduhin ang pangalan ng 240 na mga mukha. Matapos ang 15 minuto ay mayroon naman silang kalahating oras upang kilalanin at isulat ang pangalan ng bawat isa sa mga mukhang ipinakita sa kanila.

Sa 240 na mga mukha ay nagawa ni Dhruv na kilalanin ng tama ang 96 sa mga ito. Nahigitan niya ang dating record na 88 na naitala ng noo’y 11-anyos pa lang na Indonesian na si Shafa Annisa Rahmadani Arianaya sa Hong Kong Open noong 2015.

Nagkaroon ng interes si Dhruv sa memory sports nang nabasa niya ang isang artikulo ukol dito na ibinigay sa kanya ng ama. Nahasa si Dhruv sa pamamagitan ng pagsasanay ng apat na oras araw-araw, alinsunod sa schedule na ginawa ng kanyang ama.

Unti-unti nang nakikilala ang memory sports ngayon lalo na’t naging tampok ito ng isang sikat na reality show sa China.

Umaasa naman si Mr. Wellington Chou, pangulo ng Si-ngapore Memory Sports Association na marami sa kanyang mga kababayan ang maeengganyo sa memory sports dahil sa pagkapanalo ni Dhruv.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with