^

Punto Mo

Bakunang pang-Espiritu

Pang-masa

SINASABING ang dengvaxia controversy ay maitutu-ring na “major health nightmare” sa bansa. Isang malaking bangungot! Bakit bangungot? Nanganganib ang 830,000 mga bata na binakunahan ng dengvaxia sa public schools at barangay health centers. Napakaraming tanong na dapat sagutin, kaya ang Senate mismo ay nagsagawa ng pagdinig tungkol sa kontrobersiya, kung saan maging si dating Pres. Aquino ay inanyayahang resource person.

Sinimulan ng Department of Health noong April 2016 ang Dengue Immunization Program para sa mahigit isang milyong batang nag-aaral sa public schools sa Metro Manila, Southern Luzon, Central Luzon at Central Visayas, matapos bumili ng dengvaxia vaccine sa halagang P3.5 bilyon sa Sanofi Pasteur.  Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asia na nag-apruba sa paggamit ng dengvaxia para sa siyam hanggang 45-anyos. Ang iba pang gumamit nito ay ang Mexico at Brazil. Nagsimula ang problema nang ipahayag ng Sanofi Pasteur noong Nobyembre 29 na maaaring lumala ang kondisyon ng isang tao na nabakunahan ng dengvaxia kung hindi pa nagkaka-dengue bago bakunahan. Ngunit kung nagka-dengue na, epektibo at ligtas ang dengvaxia.

Sino sa 830,000 batang nabakunahan ang ligtas sapagkat sila’y una nang nagka-dengue? Ito ang malaking alalahanin ng mga magulang, bagamat ayon sa pag-aaral, 70 hanggang 90 percent ng mga tao ang na-e-expose sa dengue minsan man lamang bago maging kabataan.

Totoong mabisa ang bakuna sa eliminasyon ng mga sakit. Wala ng polio, tigdas, at tetanus sa maraming bansa dahil sa vaccination. Ang vaccination ay ang pagtuturok ng antigenic material o vaccine para palakasin ang immune system o natural na panlaban ng tao sa sakit. Dahil sa immune system, nalalaman ng katawan kung may nakapasok na mikrobyo at kaagad ay gagawa ito ng protinang panlaban na kung tawagin ay antibodies. Ang vaccines ay nagmula mismo sa mikrobyo na pinagmumulan ng sakit. Halimbawa, ang polio vaccine ay gawa sa polio virus.

Kung kinakailangan natin ang panlaban sa mikrobyo na sisira sa ating katawan, lalong kailangan natin ang panlaban sa mikrobyong sisira sa ating kaluluwa, ang kasalanan. Sinabi ni Hesus sa Mateo 10:28, “Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno.”   

Takot sa Diyos — ito ang kailangan natin. Tanging ang Diyos lamang ang maaaring pumuksa sa ating katawan at kaluluwa. Ang maaari lamang iligtas ng anumang bakuna o gamot ay ang ating katawan. Wala itong kapangyarihang iligtas o ipahamak ang kaluluwa ng tao, sapagkat Diyos lamang ang may kapangyarihang gumawa nito. At para gawin ng Diyos na iligtas ang iyong kaluluwa, isa lamang ang gagawin mo, hayaang turukan ka ng spiritual vaccine na magpapalakas sa iyong spiritual immune system at magpapalaya sa kamandag ng kasalanan. Ang spiritual vaccine na ito ay si Hesus! Bilang spiritual vaccine, Siya’y hindi nabahiran ng anumang kasalanan, kaya nailigtas ang sangkatauhan sa kamandag at parusa ng kasalanan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with