^

Punto Mo

Surgeon sa UK tinatakan ang atay ng inooperahang pasyente ng sarili niyang initials

Pang-masa

ISANG British surgeon ang umamin sa korte nito lamang Miyerkules na tinatakan niya ang mga unang letra ng kanyang pangalan sa mismong atay ng mga pasyenteng kanyang inooperahan.

Naghain ng guilty plea ang 53 anyos na si Simon Bramhall sa kasong assault samantalang not guilty naman ang kanyang inihaing plea sa kasong assault causing actual bodily harm.

Gumamit ng argon beam si Bramhall upang mailagay ang initials ng kanyang pangalan sa atay ng dalawang liver transplant patients na kanyang inooperahan noong Pebrero at Agosto 2013.

Bahagyang sinusunog ng argon beam ang anumang madaanan nito kaya karaniwan itong ginagamit upang mapigilan ang pagdurugo sa parte ng katawan na inooperahan. Minsan ay ginagamit din itong pangmarka sa mga bahaging isasailalim sa operasyon.

Nabisto  ang kalokohan ni Bramhall nang makita ng isa sa mga kasamahan niyang surgeon ang nakatatak na “SB” sa atay ng kanyang pasyente.

Naalis din naman daw kapag tumagal  ang markang iniiwan ng argon beam ngunit kaagad pa rin sinuspinde si Bramhall, na sa kalauna’y napilitan din na mag-resign mula sa ospital at umamin sa kanyang ginawang pagkakamali.

Unang nakilala si Bramhall sa United Kingdom noong 2010, nang matagumpay niyang na-transplant sa isang pas-yente ang atay na naisalba mula pa sa nag-crash na eroplano.

Bagama’t pinayagan siya ng korte na pansamantalang makalaya matapos siyang magpiyansa, delikado pa rin ang kanyang lisensya bilang doktor dahil sa kanyang kalokohang ginawa ayon sa General Medical Council ng UK.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with