Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bus driver sa India pinarangalan para sa hindi niya pagbusina ni minsan sa loob ng 18 taon

IMPOSIBLENG hindi bumusina lalo na kapag nagmamaneho sa mga matatrapik na lansangan ng katulad sa India. Ngunit ito mismo ang nagawa ng isang bus driver sa Kolkata, India na kahit minsan ay hindi ginamit ang kanyang busina sa loob ng 18 taon.

Kaya naman pinarangalan ang bus driver na si Dipak Das para sa kanyang personal na “no-horn policy” na hangad niya ay gayahin din ng ibang nagmamaneho.

Naniniwala kasi siyang kung alerto ang driver at marunong ito sa pagtantiya sa bilis at espasyo ng kanyang sasakyan mula sa iba ay hindi na kakailanganin ang paggamit ng busina.

Kahit ang mga pasahero niya ay hindi niya sinusunod kung inuutusan siya ng mga itong bumusina dahil naniniwala siyang hindi nito masosolusyunan ang kung anumang problema na nasa kalsada.

Hindi rin bumubusina si Das kahit pa napakalayo ng kanyang mga biyahe.

Napili si Das na bigyan ng parangal matapos siyang irekomenda ng mga indibidwal na minsan na siyang inarkila bilang driver. Sila ang nagpatunay na kahit isang beses ay hindi nila nakitang ginamit ni Das ang busina ng kanilang sasakyan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pangarap naman ni Das na ba­lang araw ay magiging opisyal na polisiya na ng lungsod ng Kolkata ang hindi paggamit ng busina.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: