^

Punto Mo

STL bino-bookies sa south Metro!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

DINAKMA ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) sina Violeta Palen, 53, at Fidel Logronio, 47, sa kanilang anti-illegal gambling campaign sa Sampaloc, Parañaque City noong nakaraaang linggo. Nahulihan sina Palen at Logronio ng pulyetos sa lotteng. Sa biglang tingin, hindi naman nakakayanig ang istoryang ito dahil halos kahit saang sulok naman ng bansa ay may larong lotteng, di ba mga kosa? Kaya lang ang bago rito, sina Palen at Logronio ay may suot na ID ng Happy Cool Gaming Inc., ang nasa likod ng small town lottery (STL) sa southern Metro Manila at ayon kay NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde ay bawal ito. Sinabi ni Albayalde na ayon sa pinapairal na rules and regulations ng PCSO, itong mga kubrador na armado ng ID ng Happy Cool ay dapat sa STL lang mangolekta ng taya at hindi kasali rito ang ibang sugal. Kaya  sa pagkaaresto kina Palen at Logronio, na mga bataan ng gambling lord sa Parañaque na si alyas Joy, ay nagpapatunay lamang na bino-bookies ng Happy Cool ang kanilang kubransa sa STL, ani Albayalde. Idinagdag pa ni Albayalde na itong Happy Cool ay nalulugi na kaya’t ang financier nito na si Prosy ay lumilinya na sa lotteng para mabawi ang nailabas na pitsa n’ya. Boom Panes! Hak hak hak! Ano sa tingin n’yo mga kosa ko sa SPD? Puwede, di ba?

Ayon sa pananaliksik ng mga bataan ni Albayalde, si Joy ay nagbo-bookies ng STL at itinatago ito sa ilalim ang prankisa ng Happy Cool. Ang masama, wala nang bola ng winning combination na nangyayari dahil wala namang silang draw court. Kaya ang labas ng winning combination ng bookies ni Joy ay dinadaan na lang sa tawag sa cell phone. May extra draw pa si Joy tuwing 6:30 p.m. at ang kanyang headquarters ay matatagpuan sa Bgys. Kabihasnan at Tambo sa Parañaque City samantalang si alyas Edgar naman ay sa Bgy. Baclaran. Get’s mo Gen. Albayalde Sir? Pati ang lotteng ay nilalabanan na nila gamit din ang ID ng Happy Cool at ang financier dito ay si alyas Tose. ANg mga kubransa sa lotteng at bookies ng STL ay ipinapasa sa isang alyas Wally sa Bgy. Tunasan sa Muntinlupa City. Hayan, Gen. Albayalde Sir alam mo na kung sino ang habulin mo para masawata ang bookies nina Joy, Tose at Wally na ang niloloko ay ang gobyerno ni Pres. Digong. Hak hak hak! Sanay na sa bookies ang tropa ni Joy at ang kawawa rito ay ang Happy Cool, ‘yan ay kung di nila abot na pinapaikutan sila ng mga management nila, di ba mga kosa?

Kung sabagay, lumalabas sa records ng PCSO na ang Happy Cool, na ang tumatayong financier ay si Toto Albano, ay dapat mag-akyat sa PCSO ng P1.3 milyon bilang 39 percent ng kanilang PMRR kada araw subalit sa kasamaang palad ay P80,000 lang ang kanilang nai-remit kaya lugi ang gobyerno ni Digong, di ba mga kosa? Kaya ang nai-remit pa lang ng Happy Cool sa PCSO sa limang buwan nilang operation ay sa halagang P16 milyon at ang utang nila ay lumampas na sa P379 milyon. Kung nasingil sana ng PCSO ang utang ni Albano, na adopted member ng PMA Class ’82, aba libo lang Pinoy na may sakit ang matutulungan, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kung bino-bookies pa nina Joy at Edgar ang STL ng Happy Cool, aba lalong mababaon sa utang si Prosy, na ang negosyo ay sa Aduana! Get’s nyo mga kosa?

Para naman tumaas ang kubransa ng Happy Cool, kinasapakat nila ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Sta. Rosa, Laguna. Ang NBI sa Sta. Rosa ang nangri-raid sa mga pasugalan sa SPD area para ang kubrador at mananaya ay sa STL ng Happy Cool mangubra at tumaya. May punto rin naman at pabor sa gobyerno ni Digong ang NBI sa Sta. Rosa, di ba mga kosa? Kaya lang parang sinampal ng NBI Sta. Rosa ang National Capital Region (NCR) ng NBI dahil sakop nila ang SPD area samantalang ang una ay dapat sa Laguna lang mag-operate. Hehehe! Hindi naman makapagreklamo ang financiers ng pasugalan sa SPD area dahil kahit saan tingnan NBI pa rin ang tumitira sa kanila kaya’t hayun gastos sila sa piyansa. Ang problema lang, kapag nai-file na ng NBI Sta. Rosa ang kaso laban sa mga naaresto nila, may nakaabang na representante ang Happy Cool sa piskalya at kinukumbinsi ang mga nahuling kubrador na sa kanila na magtrabaho. Hak hak hak! Maliwanag na magkakutsaba ang NBI Sta. Rosa at Happy Cool, di ba mga kosa? Hehehe! Alam kaya ni NBI director Dante Gierran itong raket ng mga tauhan niya sa Sta. Rosa? Kanya-kanyang gimik lang talaga, di ba mga kosa? Kung sabagay, nakahuli din ang NBI NCR nang apat katao sa Muntinlupa City na ang lakad din ay STL-teng. Ano ba yan?

Sa totoo lang, inaamin naman ni Albayalde na hirap silang magsagawa ng kampanya laban sa ilegal na sugal bunga sa nagtatago ang mga kubrador sa ID ng STL, hindi lang sa SPD area kundi maging sa kalapit na lugar nito. Subalit iniutos ni Albayalde sa limang police districts niya na tutukang maigi itong bookies ng STL dahil hindi lang gobyerno ang niloloko nito kundi ang mga mananaya na din dahil sa halos walang nananalo dito. Kapag walang nananalo kasi mga kosa, sayang lang ang pagod ng mga kubrador dahil ang ibig sabihin nito ay wala din silang tinatawag na bonus o porsiyento. Hak hak hak! Hindi lang naman kasi ang Happy Cool ang hindi nakabayad ng PMRR nila kundi marami pa, hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa ibang bahagi ng bansa. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with