^

Punto Mo

EJK sa war vs droga, buburahin na ng PNP!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

MALAKING papel ang gagampanan ng mga barangay officials sa war vs droga ni President Digong kapag naibalik na sa Philippine National Police (PNP) ang lead role sa kampanya laban sa illegal drugs. Nais kasi ni NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde na ang lahat ng anti-drug operations ng pulisya sa Metro Manila ay may kasamang barangay officials para maiwasan ang sinasabing extra judicial killings (EJKs) at iba pang kontrobersiya. Itong kampanya laban sa droga ay inilipat ni Digong sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mapatay ang dalawang menor de edad sa anti-drug operations ng Caloocan police. At sa ngayon, may plano si Digong na ibalik na ito sa PNP at maraming Pinoy, lalo na ang opposition at militante ang umaayaw dito. Kasi nga mga kosa, halos aabot sa mahigit 3,000 katao ang namatay sa unang bugso ng kampanya laban sa droga at ayaw ng mga opposition, militante at human rights advocates na madagdagan pa ito. Subalit kilala naman natin si Digong mga kosa at sa tingin ng mga kausap ko sa Camp Crame, ilang araw na lang at mapasakamay na naman ng PNP ang lead role sa kampanya vs droga. Hak hak hak! Itong si Digong ay hindi nakikinig sa mga tuligsa sa programa niya sa gobyerno, di ba mga kosa?

Habang nag-iisip pa si Digong na ibalik sa PNP ang kampanya vs droga, aba lumabas naman ang news agency na Reuters ng istorya tungkol sa pagpaslang umano sa tatlo katao sa Tondo na nakuhaan ng CCTV camera. Nakakuha ang Reuters ng CCTV footage subalit sa kasamaang palad ang nakunan lang ay ang mga pulis na pumuporma pa lang bago maganap ang palitan ng putok na ikinasawi ng tatlong kalalakihan. Buwenas ang mga pulis na sangkot sa anti-drug operations dahil hindi sila nakunan ng video footage habang binabaril ang tatlong biktima. ‘Ika nga, puro circumstantial evidence lang itong hawak ng Reuters na maaring magdulot pa ng alingasngas na ang tatlo ay biktima ng EJK subalit kapag dinala mo ito sa korte, walang saysay ito, di ba mga kosa? Boom Panes!

Hak hak hak! Iniimbestigahan din ng Internal Affairs ng PNP itong kaso na ito subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa tapos ang proseso, di ba mga kosa?

Sinabi naman ni PNP chief Dir. Gen. Bato dela Rosa na ang Reuters story ay inilabas habang inaantay nila ang mando ni Digong na maibalik ang kampanya vs droga sa PNP kaya may kulay ito. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sinabi naman ni Albayalde na matagal na ang kaso na binanggit ng Reuters at nasagot na ito ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na isang legitimate operation ito. Idinagdag pa ni Albayalde na sa naturang anti-drug operation, may kasamang mga barangay officials ang raiding team at hindi mapasakamay ng Reuters ang video footage kung may itinatago ang raiding team ng MPD. Tumpak! Kaya panatag ang loob nina Albayalde at Bato na hindi magiging hadlang ang Reuters story para maibalik ang lead role sa kampanya vs droga sa PNP. Get’s n’yo mga kosa?

Hak hak hak! Panahon na kaya para maibalik ang lead role sa war vs illegal drugs ni Digong sa PNP? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Nagkausap na kasi sina Albayalde at Martin Diño, ang presidente ng League of Barangay chairmen, sa sideline ng anti-corruption Summit ng VACC sa Pasay noong Martes at napag-kasunduan nila na dapat kasama ang mga barangay officials sa lahat ng anti-drug operations ng PNP. Sa gayon, maiwasan ang tinatawag na EJK at ‘yaong tinatawag na “Wow Mali” o collateral damage, na palaging naka-tsinelas ang biktima. Kasama na sa mabura ay ang akusasyon na karamihan sa mga pinatay ay mga asset mismo ng mga pulis. Sa totoo lang, itong EJK lang naman ang inaayawan ng mga opposition at Simbahan dahil sa hindi naman talaga nasa kamay dapat ng pulis ang desisyon na kitlin ang buhay ng isang nilalang, maging drug pusher o user man s’ya. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Inulan ng batikos si Digong, hindi lang dito sa bansa kundi maging sa abroad, dahil dito sa EJK kaya itong pagsama ng barangay officials kaya sa anti-drug operation ang kasagutan para matahimik na ang mga kontra rito sa war vs droga? Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with