^

Punto Mo

EDITORYAL - Paghihigpit sa yellow lane, another ningas-kugon

Pang-masa
EDITORYAL - Paghihigpit sa yellow lane, another ningas-kugon

NAIHAHALINTULAD sa ningas ng kugon ang pagpapatupad ng batas dito sa ating bansa. Kapag sinindihan kasi ang kugon, masyadong malaki agad ang apoy at nagliliyab nang todo, pero saglit lang ito. Maya-maya lang, patay na ang apoy.

Ganito ang pagpapatupad ng batas sa bansa. Kapag nagtagal na, balik na sa dating gawi. Katunayan, maraming batas na pinagdebatehan nang matagal sa bansang ito ang hindi naipatutupad o kung maipatupad man, panandalian lamang. Sa una lamang mainit pero makaraan ang isang linggo wala na. Kaya nagpapakahirap lamang ang mga mambabatas sa paggawa ng batas dahil hindi naman naiimpliment nang maayos.

Ang paghihigpit ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa yellow lane o bus lane sa EDSA ay inaasahang sa simula lamang matindi ang pagpapatupad pero habang tumatagal wala ring mangyayari rito. Nagawa na ito noong panahon pa ni MMDA Chairman Bayani Fernando pero ano ang nangyari? Naghigpit na noon ang MMDA at naglagay pa ng mga orange barriers pero ang ginawa ng mga pasaway na bus drivers, sinagasaan pa ang mga ito. At wala namang nagawa ang MMDA noon sapagkat hindi naparusahan ang bus driver o ang operator. Hanggang sa wala nang nangya-ring paghihigpit sa yellow lane. Nawalan nang silbi ang yellow lane.

Sinimulang ibalik ang paghihigpit sa yellow lane noong Lunes. Ayon sa MMDA ang lahat nang bus na lalabas sa yellow lane ay huhulihin at pagmumultahin. Sabi ng MMDA, ang paghihigpit sa yellow lane ay para mapaluwag ang trapik sa EDSA. Sa unang araw ng paghihigpit sa yellow lane ay 684 na bus ang nahuli. Tagumpay umano ang unang araw ng pagpapatupad ng batas.

Hanggang kailan ang paghihigpit na ito? Madali nang sagutin dahil hindi ito ang unang paghihigpit sa mga dumadaan sa yellow lane. Matagal nang batas ito at alam na ng mga bus driver na bawal talagang lumabas dito pero dahil-ningas kugon ang MMDA, bara-bara na ang lahat.

Pero sabi ng MMDA, seryoso silang ipatutupad ito para mapaluwag ang EDSA. Hindi raw sila titigil sa nasimulang paghihigpit sa yellow lane. Sana nga ay totoo ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with