^

Punto Mo

Isla Paraiso (85)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TUMANGGAP ng award si Marikit dahil sa isinulat niyang artikulo ukol sa illegal mining na isasagawa sa Isla Paraiso. Ayon sa organizers ng award, naipakita at naipadama ng may-akda ang masidhing layunin na mapatigil ang planong pagmimina sa isang lugar. Nailahad ng may-akda ang maaaring mangyari sakali at matuloy ang operasyon ng mining company.

At nagpakita rin umano ng tapang ang may-akda makaraang batikusin ang local officials na nakikinabang sa may-ari ng mining company. Ayon pa sa nagbigay ng award, bata pa ang awtor pero mulat na sa mga nangyayari sa kapaligiran.

Bukod sa plake, tu­manggap din ng cash gift si Marikit.

Isang araw nakatanggap siya ng tawag mula sa editor-in-chief ng isang sikat na pahayagan. Sinasabing marami ang pumupuri sa artikulo on mining.

Inanyayahan siya ng editor-in-chief sa opisina nito. Mangha ang editor nang malamang estudyante pa lamang si Marikit.

“Propesyunal ka na kung sumulat. Nakakahanga ka Ms. Marikit.’’

“Thanks Mam.’’

“Pagnag-graduate ka na ng college, dito ka na magtrabaho, okey Marikit.”

“Salamat po Mam.’’

Hindi makapaniwala si Marikit.

“Malayo ang mararating mo bilang mamamahayag, Ms. Marikit. So hihintayin kita rito pagkatapos mo ng college. Hindi ka naman madedehado sa aming kompanya dahil  kami ang number 1 sa lahat ng diyaryo.’’

“Opo Mam. Dito ako magwo-work.’’

“Okey Marikit.’’

“Salamat po uli, Mam.’’

Habang palabas ng opisina ng editor ay parang may pakpak ang mga paa ni Marikit. Hindi siya makapaniwala na may naghihin­tay na sa kanyang trabaho.  (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with