^

Punto Mo

Kapalmuks na bgy. captains at gov’t officials, supilin na!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

ABUSERO ang eksaktong tawag sa government at barangay officials na parang sila ang bumili at nagbabayad ng gasolina ng mga sasakyan ng gobyerno na ginagamit ng kanilang pamilya sa pamamasyal, excursion at school service. Ang iba ay sa sabungan at sa beerhouses pa makikita.

May katwiran naman talagang ipagmalaki ni Pres. Rodrigo Duterte ang Davao City dahil bawal gamiting pangpersonal ang mga behikulo ng gobyerno  sa kanila at hindi niya ipinalalagay ang kanyang pangalan sa city government vehicles dahil hindi naman daw pera niya ang ibinili nito.

Maraming barangay vehicles lalo na ang mga ambulansya ang naka-print pa ang mukha ng mga local officials na namahagi raw ng mga ito samantalang buwis naman ng mamamayan ang ipinambayad kaya hindi natin masisi ang mga mamamayan kung pagsabihan silang kapalmuks! Tama lang ‘di ba?

May kautusan na ang Ombudsman noon pang 2012 na nagbabawal gamitin sa pangsarili ang mga government owned vehicles sa ilalim ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practice Act), R.A. 6713 (Codeof Conduct of Ethical Standard of Government Official and Employees) Revised Administrative Code of the Philippines at kinakailangan pa ang trip ticket kung gagamitin ito, pero hindi ito maipatupad nang wasto dahil mismong ang mga ahensiya at opisyal na dapat magpatupad nito ay malamang na lumalabag din sa mga regulasyon ng gobyerno. Kung ginagamit lamang sana sa wasto ang buwis ng mamamayan, mas maraming proyektong pangkalusugan, pangkabuhayan at iba’t iba pang benepisyo ang makakarating sa taxpayers at mga mahihirap nating kababayan. Ang mga kabulastugan at kayabangan ng barangay captains at government agency officals ay lantarang pang-aabuso na sa mamamayan na maituturing na ring mga kriminal. Ano kaya ang masasabi rito ni Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Martin Dino na ngayon ay umuupong DILG Undersecretary for Barangay Affairs? Abangan natin!

Kung totoo na maraming local officials kasama rito ang barangay captains ang ginawa nang livelihood program ang pagtutulak ng droga ang nasa war on drugs order of battle ng PNP at PDEA, aba eh malamang gumagamit pa ng mga service vehicles ng gobyerno ang mga ito sa kanilang mga iligal na aktibidades di po ba? Kawawa naman si Juan Makabayan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with