Beauty benefits mula sa Beer
(Part 2)
ANG anti-oxidants at amino acids ng beer ang nakakatulong para manatiling maganda ang kutis at makintab ang buhok. Ang yeast na sangkap sa paggawa ng beer ay good source ng B vitamins, protein, selenium, potassium, iron, zinc at magnesium, na kapakipakinabang sa kutis.
Beer Facial Mask
Effect: Magiging firm ang kutis kaya made-delay ang pagkulubot ng balat.
Ingredients:
1 tablespoon beer
1 egg white
3 drops olive oil
Procedure:
Haluin ang ingredients sa bowl.
Linisin ang mukha. Ipahid ang mask. Hayaang matuyo nang ilang minuto.
Banlawan ng maligamgam na tubig. Aplayan ang kutis na iyong regular moisturizer.
- Latest