^

Punto Mo

‘Rapist na anak ni PO3, hinanting ng KP’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ITAGA mo sa bato, kahit saan ka pang lupalop magtago hindi titigil ang Kilos Pronto hanggang sa madakip ka at mabilanggo.

Sino ba naman ang hindi mag-iinit ang ulo sa taong ‘to. Hambog na, manyakis pa! Naturingang anak ng pulis, siya pa ‘tong pasimuno ng kagaguhan.

Babaing kakikilala pa lamang, pinasok sa loob ng inuupahang bahay at pinagsamantalahan. Pobreng dalaga walang kalaban-laban, ‘di makasigaw dahil sa paos.

Buti na lamang at narinig ng land lady ang kalabog sa loob ng kuwarto at agad na sumaklolo. Ang pinagsamantalahang dalaga naiwang tulala dahil sa trauma.

Pero ang mga gagong pulis Maynila na naka-duty sa Station 4 imbes na tumulong, pinabayaan ang biktima. Sadyang kinuparan ang kilos at drinibol ang biktimang dalaga.

Nang malamang anak ng kasamahan nilang pulis ang suspek, ang kawawang drinibol at sadyang kinuparan ang kanilang mga kilos. Dahilan ng mga lintik, bumalik na lang dahil walang mag-aasikaso, kinasangkapan pa ang ASEAN Summit ng mga tamad na lespu.

Nang kausapin ni Tol Erwin ang ama ng suspek sa ere,  halata mong nagsisinungaling. Bulol-bulol kung sumagot at pati boses takot na takot.

Giit ng ama, siya raw mismo ang gumulpi sa anak nang malaman ang insidente. Pero nang tanungin na kung saan nagtatago anak niya, hindi niya raw alam kung saan nagpunta.

PO3 Arcadio Orbiso, umayos ka! ‘Di porket anak mo ang nakagawa ng kasalanan, ligtas na siya. Kung talagang tapat kang pulis, ikaw mismo ang magbitbit sa rapist mong anak sa presinto.

‘Wag mong kunsintihin ang mali kahit anak mo pa. Dahil ang batas ay batas at walang sinisino. Kahit sino pang anak ni Poncio Pilato, kung nagkasala dapat managot. Alam mo dapat ‘yan dahil pulis ka. Maliban na lamang kung kabilang ka sa listahan ng mga pulis iskalawag.

Pero kung ako sa iyo, isuko mo na ang anak mo. Dalawa lang naman ang puwede niyang hantungan, ‘yung isa bilangguan ewan ko na lang sa’yo kung ano ‘yung ikalawa.

O kayong mga pulis Maynila diyan na kasamahan nitong si PO3 Orbiso, doon kayo sa headquarters n’yo sa Crame mananagot. Intay-intay lang kayo sa imbitasyon n’yo, dapat talagang may mabukulan sa kasong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with