^

Punto Mo

Exclusive Toilet

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

TUMIGIL kami sa isang gasoline station na may kainan at public toilet sa South Luzon Expressway. Ihing-ihi na ako pero gusto kong maiyak nang nakita kong ang pila ay hanggang labas ng toilet. Binilang ko ang aking sinusundan sa pila, labinglima. Sa anim na cubicle ng toilet, dalawa ang sira. Ang isa ay nakalaan pa sa mga senior citizen. So, tatlo na lang ang nakalaan sa aming hindi pa senior.

Madalas na kaming tumigil doon para kumain tuwing uuwi kami sa probinsiya kaya naalaala kong may isang maliit na comfort room sa bandang likuran ng gas station na hindi masyadong mapapansin unless, doon ka sa tapat nito nag-park ng sasakyan.

Sumisigaw na ang aking pantog…gusto nang maghimagsik at ilabas ang dapat ilabas kaya nagpasya akong umalis sa pila, dali-daling tumakbo patungo sa sinasabi kong toilet. Noon ko naisip na mas mahirap palang pigilin ang ihi kaysa ebs.

May babaeng nakabantay sa entrance ng toilet. Napatigil ako.

“Mam, may value card ka ng name of product?

“Wala”

“Sorry po Mam, value card holder lang po ang puwedeng gumamit ng toilet.”

“Lintik!” bulong ko sa aking sarili.

Namimilipit na ako. Kapag hindi pa ako nakaihi sa moment na iyon, tiyak na may sasabog mula sa aking pantog. Magpapaawa sana ako at sasabihin kong may alta presyon ako at masama ang magpigil ng pag-ihi pero muling nagtanong ang babae.

“Senior ho kayo?”

“Oo”

“Sige ho…pasok na!”

Nagtatawa ako habang umiihi sa toilet. Kailangan ko palang makaramdam ng ihing-ihi para hindi ako magalit kahit pagkamalang senior citizen o kahit siguro tawaging NANAY, LOLA, LELANG etc. Wala akong pakialam kahit pagkamalang kasingtanda ng nanay kong 81 years old, basta’t makaihi lang . Hayyy, ginhawang-ginhawa ako paglabas ko ng toilet. Tama ang sabi ng kaklase ko noong nasa elementary kami: Ang isang pinakamasarap sa buhay ng tao ay umihi kung ihing-ihi o emebs kung ebs na ebs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with