^

Punto Mo

Bookies financier na si Lagalag, untouchable sa MPD?

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

SINO si Lagalag? Naging palaisipan sa mga kosa ko sa Sampaloc, Manila kung sino si Lagalag at mukhang allergy sa kanya ang mga tauhan ni Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Jigs Coronel. Kasi nga mga kosa, may ni-raid ng bookies ng karera ang taga-MPD ng mga nagdaang araw, at malaki ang role na nilaro nitong pangalan o codename na Lagalag. Siyempre, kapag may raid, natural lang na may mga personnel ng bookies ng karera na naaresto at mayroon ding mga ebidensiya na nakakalap ang raiders, di ba mga kosa? Subalit kitang-kita ng mga kosa ko na habang bitbit ng raiders ang mga naaresto at ebidensiya, may nagtanong na pulis sa personnel kung kaninong puwesto ng bookies ang na-raid nila. At ang sagot ay ang kay Lagalag, at matapos mabanggit ito aba ibinabalik ang mga nakumpiskang ebidensiya at ang mga personnel ay biglang pinakakawalan at ang raiders ay nagsialisan na. Ang isa sa mga na-raid na bookies ng karera mga kosa ay sa area ni chairman Alvin Start sa Sampaloc. Hak hak hak! May alam kaya si Madame Michelle at Mam Mia sa operation ni Lagalag sa sakop ng MPD Station 4? May kasagutan dito sa susunod na mga araw mga kosa. Tumpak!

Kung may allergy ang mga bataan ni Coronel kay Lagalag, sinong Herodes kaya sa PNP ang puwedeng sumabak dito para makasuhan at mapakulong ang mga personnel niya? Mukhang untouchable si Lagalag sa MPD o di kaya’y maganda ang parating niya, di ba mga kosa? Sinabi ng mga kausap ko na kamag-anak ni Guia Gomez-de Castro, na dating tumakbo bilang konsehal ng Maynila, si Lagalag. Si Guia mga kosa ay nagtago na sa abroad dahil nandoon ang pangalan niya sa listahan ni Pres. Digong na sangkot sa droga, ayon sa mga kosa ko. Hehehe! May posibilidad kaya na pati itong mga puwesto ng bookies ng karera ni Lagalag ay mga front din lang ng droga? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Kung hindi kaya ng mga tauhan ni Coronel si Lagalag, hamunin ko si CIDG chief Dir. Roel Obusan na pakialaman ito. Sa ngayon kasi mga kosa, kaliwa’t kanan na raid ang isinasagawa ng mga bataan ni Obusan laban sa mga pasugalan, prostitution, at paihi kaya hindi naman maganda sa pandinig kung pati ang CIDG ay umiiwas kay Lagalag. Kapag nabuwag ni Obusan ang mga puwesto ni Lagalag, malaking bagay ito at t’yak malaki ang maitulong para maitayong muli ang magandang imahe, hindi lang ng CIDG kundi maging ng PNP, dahil sa diretso at laban sila sa lahat. Hak hak hak! Halos 100 ang puwesto ni Lagalag ng bookies ng karera sa Sampaloc at hindi tiyak magkamali ang taga-CIDG kung saan sila hanapin. Get’s n’yo mga kosa?

Sa ganang akin naman, nakatingin ang iba’t ibang operating unit ng PNP kay Obusan dahil sa pangwasiwas ng kanyang mga tauhan sa mga pasugalan, paihi, prostitution at iba pang pagkakitaan sa Metro Manila. Kapag hindi pa nahinto ito, tiyak pahirapan ang Christmas party ng mga operating unit hindi lang sa Camp Crame kundi maging sa NCRPO. Open secret naman mga kosa na malaking papel ang ginagampanan ng tong collection ng PNP para sa masaganang handaan ng mga opisina nila dahil kapiranggot lang naman ang pondo na ibinababa ng Camp Crame rito. Kaya ang panalangin ng mga pulis, kailan hihinto sa bakbakan ang mga tauhan ni Obusan? Hak hak hak! Puwede namang direktang itanong kay CIDG director ‘yan, di ba mga kosa?

Habang nananalasa naman ang mga tauhan ni Obusan laban sa pasugalan, paihi, prostitution at iba pang pagkakitaan, aba lumalakas ang ugong na binitiwan na ni CIDG director ang tong collector na si Baby Marcelo, na dating bata ni ret. Gen. Marcelo Garbo, ang isa sa limang pulis na inakusahan ni Pres. Digong na sangkot sa droga. Nag-umpisang magulo ang tabakuhan sa Metro Manila nang sunugin ni Baby Marcelo ang para sa mga kapustahan niya kaya si Obusan ang tinamaan ng mga kidlat! Hala lipulin na si Lagalag, Gen. Obusan Sir para me accomplishment ka naman. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with