Pag-asa
October 21, 2017 | 4:00pm
Sa ngayon pagmasdan mo ang paligid
pook ng mahirap ay lubog sa tubig
mga mangingisda’t mga magbubukid
kinikita nila halos gagabinlid
Sa mga bukirin at mga barangay
di rin kumikita sa inaning palay
pa’no ang kanilang bukid at parang
lubog din sa baha pagpatak ng ulan
At may mga nayong halaman ay sayang
masanting ang init dahil sa tag-araw
hinging irigasyon sa mga mayaman
hindi nagagawa kahit noon pa man
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended