^

Punto Mo

25 bagay na pagsisisihan mo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

… kapag matanda ka na:

May pera ka  para magbiyahe sa iba’t ibang lugar pero hindi mo ginawa dahil ayaw mong maabala sa iyong pagtatrabaho.

Hindi ka nag-aral ng ibang wika bukod sa Filipino at English.

Hindi ka nagkaroon ng lakas ng loob na bumitaw agad sa isang bad relationship.

Hindi inalagaan ang kutis.

Pinalampas mo ang pagkakataong mapanood ang concert ng iyong favourite band or singer.

Laging pinaiiral ang takot kaya hindi magawa ang nais gawin.

Tamad mag-exercise.

Takot mag-resign sa trabahong hindi ka na masaya, inaabuso ka pa, kagaya ng maliit na suweldo pero mabigat ang trabaho.

Hindi nagtapos sa pag-aaral.

Nabuhay sa paniwalang hindi siya maganda. Pagtanda, saka niya malalaman ang tunay na dahilan kung bakit siya hindi ligawin. Natatakot  ang lalaki sa kanya dahil mukha siyang suplada.

Hindi niya nasabing mahal niya ang isang tao.

Matigas ang ulo. Hindi nakinig sa payo ng magulang.

Conscious lagi sa sasabihin ng ibang tao.

Sinuportahan ang pangarap ng iba at hindi ang sa kanya. Nang naging successful, iniwan siya.

Mahilig magtanim ng galit.

Takot manindigan.

Hindi inalagaan ang ngipin.

Naabutan buhay pa ang lolo at lola pero hindi binigyan ng panahon ang sarili na makilala ang mga ito.

Tumandang hindi marunong magluto.

Nabibigong tapusin ang mga sinimulan.

Hindi naranasang maki-paglaro sa mga anak noong mga bata pa sila.

Takot sumugal  sa pag-ibig.

Walang lakas ng loob na suwayin ang pamilya sa kursong ipinapakuha. Kaya nakatali siya sa isang propesyon na hindi niya gusto.

Hindi nakakasali sa school reunion, mas inuuna ang trabaho.

Dalawampung taon na sa neighbourhood pero wala man lang kahit isang kabatian. Iba rin ang may support system mula sa mga kapitbahay kapag matanda ka na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with