^

Punto Mo

EDITORYAL - NAIA, hindi na kabilang sa worst airports

Pang-masa
EDITORYAL - NAIA, hindi na kabilang sa worst airports

INALIS na ng travel website “The Guide to Sleeping in Airports” ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa listahan ng mga worst airport sa mundo. Ayon sa travel website, base sa kanilang pinaka-latest survey, wala na sa kanilang listahan ang NAIA bilang worst airports sa mundo at maski sa Asia. Pinagbasehan umano ang mga sumusunod kaya hindi na kasali sa worst airports ang NAIA: komportable na at may sapat na mga upuan para sa mga pasahero, malinis na ang comfort rooms, may sapat na pasilidad para sa mga pasahero gaya nang mabibilhan ng pagkain at iba  pang pangangaila-ngan, may sapat nang seguridad ang mga pasahero at hindi na suplado o masusungit ang mga personnel sa immigration.

Magandang balita ito at malamang na makahatak ng mga turista para bumisita sa bansa. Ang pagkakaalis sa listahan ng worst airports ay isang malaking karangalan. Ang airport kasi ang nagsisilbing salamin ng bansa sapagkat ito ang unang nakikita ng mga dayuhan. Kung sa pagbaba pa lamang ng mga dayuhan ay ang masama o pangit na tanawin sa NAIA ang makikita, paano pa sila babalik dito. Baka sa una pa lamang dalaw nila ay mawalan na ng gana.

Taun-taon ay lagi nang kabilang ang NAIA sa worst airports. Noong 2015 ay lalo nang pinag-usapan ang NAIA dahil sa “tanim bala”. Naging isyu rin ang kawalan ng seguridad sapagkat nagkaroon ng pagpatay o pamamaril sa mismong harap ng arrival area. Pinag-usapan din ang pagnanakaw ng mga crew sa mga bagahe ng pasahero. Pawang alahas ang ninakaw.  Mayroon ding pangyayari na bumagsak ang kisame sa NAIA at muntik nang mabagsakan ang isang dayuhan.

Ngayon ay wala na ang masasamang balita sa NAIA. Inaasahan na hindi na muling mapapasama sa listahan ng worst airport ang NAIA at lalo pang pagbubutihin ang serbisyo sa mga pasahero. Sa ganitong paraan, makakatakas nang tuluyan ang NAIA sa masamang imahe na tinaglay sa matagal na panahon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with