^

Punto Mo

‘Mala-palos na estapadora, sumuko ka na!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

“DON’T judge the book by its cover.” Eto ang pahayag na madalas sa atin sabihin kapag mahilig kang manghusga ng kapwa, sa salitang kanto – ulukait ka.

Tama nga naman, sino tayo para husgahan ang isang tao o isang bagay sa pamamagitan ng panlabas na anyo lamang?

Ang pahayag na ‘to, swak na swak sa babaeng inireklamo sa aming tanggapan kamakailan. Sino ba naman ang mag-aakala na ang mala-anghel na binibini, talpulano pala?

Paandar niyang modus operandi, kumubra ng pera sa mga kapwa negosyante lalo na doon sa mag nagbebenta ng alahas, bag at sasakyan!

Ang siste, dadaanin ka niya sa mga mabubulaklak na salita, kakaibiganin, o-offeran maging kasosyo niya sa negosyo, padadamahin o pakikitain ang nalokong ka-partner sa umpisa subalit may binubuong masamang balakin na pala.

Apat sa kanyang nabiktima, sumisigaw ng hustisya. Isa sa kanila, celebrity actress na may sariling kumpanya. Natangayan daw siya ng alahas at pera na nagkakahalagang 28 milyon. Samantalang sa tatlo pa niyang kasamahan kulang-kulang 6 na milyon.

Noong kinompronta raw nila ang mala-palos na estapadora ay nagbabayad pa ‘to hanggang sa tumalbog na ang mga cheke at nauwi sa mga pangako na napako.

Sa patuloy na pag-iimbestiga ng BITAG at Kilos Pronto, laman na pala ng ibang pahayagan ang kolokay noong nakaraang taon dahil kabilaan ang nakasampang kaso na estafa hindi lamang dito sa Metro Manila kundi maging sa Visayas.

Nobyembre taong 2011, nahuli na raw ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Gina Lou Ong Tan sa Cebu sa kasong estafa. At ngayon, may nakahain rin daw na warrant of arrest sa lungsod ng Pasig.

Kaya sa mga nakakakilala kay Estafa Queen, mangyaring ipagbigay alam agad ‘to sa mga awtoridad o magsadya dito sa BITAG Headquarters!

At sa’yo, Gina Tan, umaasa kami na haharapin mo ang kaso sa korte upang matuldukan na ang itinatago mong kabulastugan at baho.

Para sa iba pang programa ng BITAG Media Unlimited Inc. pumunta lamang sa aming website, www.bitagmedia.com at mag-subscribe sa aming YouTube Channel, Bitag Official.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with